Kyle
Ilang araw na akong nandito sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Jake. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa paaralan.
"Dear, go take some rest. Ako na muna ang bahala rito." Sabi ng mommy ni Jake. Dumating sila noong nakaraang araw. Sinabi ko sakanya ang lahat ng nangyari. Nagmakaawa ang nanay niya na huwag ko raw hiwalayan si Jake dahil naaawa siya sa anak niya. Hindi raw niya deserve ang nangyayari sakanya ngayon.
"Sige po," Binitawan ko ang kamay ni Jake. Halos limang oras na akong nakaupo sa tabi niya habang hawak-hawak ang kamay niya. Nagbabakasakaling magising siya at ako ang una niyang makita. Dahan-dahan ding naghihilom ang mga sugat niya.
"Uuwi na po muna ako, tita." Pagpapaalam ko sa mommy niya.
"Sige, hijo. Take care." Aniya. Tinignan ko muna ang mukha ni Jake bago ako lumabas ng silid.
"Uuwi ka na? Ihahatid na kita sa bahay n'yo." Naabutan ko si Jeff malapit sa nurse station. "'Di mo ba kasama si Samantha?" Kinuha niya ang mga gamit na dala ko at siya na mismo ang nagbitbit nito palabas ng ospital.
"She doesn't want to see me. She's upset." Sagot niya.
"Seryoso? Bakit? Nag-away ba kayo?" I asked him. Nagtungo kami sa parking lot. Binuksan niya ang backseat ng sasakyan at inilagay doon ang mga gamit ko. "Kaya ko na." Pinigilan ko siya nang akmang kukunin niya 'yung seatbelt at isusuot sa'kin. "Thanks." I smiled at him. Pumwesto na siya sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
"Okay ka lang ba? You look bothered. May nangyari ba sainyo ni Sam?" I asked him. I can sense that he is not well. His action also tells me that he has a problem.
"Honestly, nagkakalabuan na rin kami ni Samantha. Ewan ko ba kung anong nangyari sa'min. She suddenly became cold at biglang nagbago 'yung treatment niya towards me." I smiled at him at sinabi ko sakanya na malalampasan din nila ito agad. I tried to cheer him up.
Inihatid ako ni Jeff sa bahay. Hindi ko napansin ang mga magulang ko roon kaya dumiretso ako sa kwarto ko upang kumuha ng mga gamit. Ilang araw na pala akong hindi natutulog ng maayos.
"Baby?" I heard a woman's voice from the door. Nakita ko si mommy na pumasok sa loob ng kwarto ko.
"How are you? You look stressed. Dahil ba 'to sa studies mo?" Lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"I'm fine mom. Oo. S-studies." Nauutal kong sagot. Hindi pa rin nila alam ang nangyari kay Jake at sa'min. I chose not to tell them. Saka ko na sasabihin sakanila 'pag sigurado na ako sa nararamdaman ko.
"How's Jake? Hindi ko na siya nakikita na pumupunta rito sa bahay ah." Umiwas ako ng tingin. Ilang beses na akong nagsinungaling sakanya. Ilang beses ko nang sinabi sakanya na busy si Jake at okay kami when in fact, we are not.
"Busy. Alam mo naman 'yon si Jake mom." I said while I continued packing my things.
"I see." Biglang tumahimik si mommy at pinagmasdan lang ako habang inaayos ko ang mga gamit ko.
Kakarating lang nila mommy mula sa Baguio. Hindi ako makahanap ng tiyempo na sabihin kay mommy 'yung totoo.
"Mom, kumusta na po kayo ni dad? How was your trip in—" Napahinto ako sa pagsasalita nang yakapin ako ni mommy mula sa likuran. "Mom?"
"I know what happened, anak. It's okay, Jake will be okay." Nagulat ako sa sinabi niya. I turned around to face her. "You knew?" Tumango lang siya. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat.
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
Storie d'amoreSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020