Chapter 35

958 53 8
                                    

Aiden

"I'm Aiden." I introduced myself to him. Honestly, masaya ako dahil for the first time I got the chance to meet the person who tames Ferrer. Halos mapunit na yung labi ko sa kakangiti rito sa harapan niya but he just stared blankly at me. He's like looking at me pero 'yung pananaw niya ay lagpas sa'kin. Hindi niya ba ako nakikita?

"I'm sorry. I don't know you." Nagulat ako nang bigla siyang naglakad at nilagpasan niya ako. Patuloy lang siya sa paglalakad na para bang lumulutang at walang kabuhay-buhay.

"Anong nangyari don? Nakita ko na 'yung picture niya, picture nilang dalawa ni Jake and I'm pretty sure that he is Kyle Castro." Napakamot nalang ako sa'king ulo. "Oh well, maybe I got the wrong person." I turned around.

"Kyle!" I heard a loud voice of a woman. Napatingin ako sa direksyon nung lalaki na akala ko ay si Kyle, I saw a girl running to his direction. "Kyle, stop! Ano ba? Huminto ka muna. Naka-heels kaya ako." Sabi nung babae. Umiling lang ako at bumalik ako sa paglalakad.

"Castro, ano ba!" The next thing she said stopped me from walking. Did she just say Castro? Muli kong tinignan ang lalaki. He didn't stop. Kahit na anong sigaw nung babae na kanina pang sumusunod sakanya, hindi pa rin siya tumitigil. Siya ba talaga si Kyle Castro?

Sinundan ko silang dalawa. Anong nangyayari sakanya? Hindi niya pinapansin ang babae at patuloy lang siya sa paglalakad. Huminto 'yung babae at kinuha niya ang phone niya sa purse. Nilagpasan ko lang siya.

"Shit," Bulaslas niya. Patuloy lang ako sa paglalakad at pagsunod kay Kyle. "Now I'm sure you're Kyle." Napansin ko na hindi siya humihinto, hindi niya tinignan ang traffic light sign, the green light is on. "Shit!" Napatakbo na ako at dali-dali ko siyang hinablot bago pa siya makaapak sa kalsada. Muntik na siyang masagasaan ng humaharurot na puting sasakyan. Huminto ang sasakyan sa 'di kalayuan and I saw a girl's figure from the driver's seat. Tumingin siya sa direksyon namin bago siya umalis.

"What the fuck was that? Sinasadya niya ba? Hindi ka ba niya nakita? Tsk." Mahigpit ang pagkakahawak ko kay Kyle. Wala siya sa sarili niya. Nakatungo siya at nakaharap sa daan.

"Hey, Castro." Hinila ko siya at iniharap ko siya sa'kin, "What the hell is wrong with you? Gusto mo bang magpakamatay?" I asked him. I was taken aback when I saw the tears flowing from his eyes. He didn't show any emotion but his eyes were soaked with tears.

"Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa'yo? Kay Jake? Hey, tell me." I asked him. Walang siyang imik. Hindi siya sumasagot sa mga tanong ko kung kaya'y hinila ko siya at pumasok kami sa isang coffee shop malapit sa kinaroroonan namin kanina.

"Sit here," Tinulungan ko siyang makaupo. Pumwesto kami sa isang table malapit sa glass window para makita namin ang mga naglalakad sa labas. I can't contact Ferrer and I am hoping to see him here. "May I take you orders, sir?" A girl approached us. Umorder ako ng inumin. Pagkaalis nung babae ay hinawakan ko ang kamay ni Kyle at marahan itong pinisil upang makuha ko ang atensyon niya.

"How are you? Bakit wala ka sa sarili mo?" Good thing, I got his attention. He is now listening to what I am saying. "Alam mo ba na muntik ka nang masagasaan kanina? Have you gone mad?" Medyo tinataasan ko na siya ng boses. Alam ba ni Jake ito?

"Bakit ka ba naglalakad mag-isa? Nasaan ba si Jake?"

"He had an accident."

"What?" Muntik na akong masamid sa iniinom ko. Bakit hindi ko 'to alam?

"And we broke up. Wala na kami ni Jake. May bago na siya." Wala siyang emosyon habang sinasabi sa'kin ang mga ito.

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Are you bluffing?" Hindi ako makapaniwala. After Jake left, naging busy ako sa hospital at hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong kumustahin ang kaibigan ko. Bakit sila naghiwalay? The last time we talked, he was very happy to tell me everything about Kyle and their plans together.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon