Chapter 31

1K 57 25
                                    

Luke

"I heard about what happened but I'm still confused, bakit parang okay lang si Kyle? He doesn't look bothered." I called Chloe pagkaalis ni Kyle papunta sa cr. Hindi kasi ako mapalagay, ang sabi ni Jeff saamin na sobra raw siyang nasaktan sa nangyari.

('Wag kang maniwala sa ipinapakita ni Kyle. Magaling siyang magpanggap when he's in pain so don't believe in anything that he shows you. Basta dapat mong isipin na malungkot siya ngayon and he needs companion.)

"Bakit ba hindi ka nalang pumunta rito? Alam mo naman na stubborn itong kaibigan mo. Paano kung ipagtabuyan ako nito at makulitan sa akin?"

(Kung pwede lang sana akong pumunta riyan edi sana ginawa ko na. I'm still stuck with some unfinished business. Gago kasi ito si Alex e,) Alright, mukhang may problema na naman si Chloe sa boyfriend-este fiancée niya.

"Sige na, ako na ang bahala kay Kyle. Asikasuhin mo na muna yang boyfriend mo." Ani ko bago ko tapusin yung tawag.

"Sino 'yon?" Tanong ni Kyle. Kakapasok lang niya sa pintuan kaya naisipan kong patayin agad yung tawagan namin ni Chloe.

"Ah si mama, nangangamusta lang." Sagot ko sa kanya.

"Nga pala, may gagawin ka ba mamaya? I'm bored. Gusto ko sanang lumabas." Tanong niya.

"Mag-aaral sana ako kaso nabo-bored na rin ako sa ginagawa ko e, how about lumabas tayo kasama ang tropa? I'm sure magiging masaya 'yon dahil nakauwi na si Ferrer." Suhestyon ko. Alam ko naman hindi siya sasama dahil hindi niya gustong makita si Jake. I'm just testing the water.

"Sure, game ako."

"T-talaga?" Mukhang ako ata ang nagulat sa naging sagot niya.

"Oo, bakit naman hindi? 'Di ba nga nauumay na ako sa bahay. If that's the best way to alleviate such boredom then game ako!"

"Talaga lang ha."

Hindi na niya ako kinausap pa after non, pumasok na kasi ang C.I namin at nagkaroon kami agad ng activity at lab exercise kaya wala na akong panahon na makipagusap sakanya tungkol sa ano mang bagay.

Iniwan ko si Kyle sa laboratory nang makaramdam ako ng gutom. Hindi ko na siya pinipilit na sumama saakin dahil ang sabi niya ay busog daw siya at hindi niya gustong maglakad kaya iniwan ko sakanya ang lahat ng gawain namin.

"Alam mo ba, nakita ko si Castro kanina sa labas ng building. He was with another man, nagyayakapan sila sa tapat ng faculty natin." Narinig kong sabi nung isa sa mga freshman malapit sa counter.

"Talaga? Akala ko ba boyfriend niya si Doc. Ferrer, bakit may kalandian siyang iba?"

"Uhm excuse me, may iba pa ba kayo'ng bibilhin diyan? You're blocking the line. Alis nga kayo." Sabi ko sa mga nagke-kwentuhan.

"Sorry po."

Ano ba'ng pinagsasabi nila? Si Kyle may kasamang ibang lalaki at nagyayakapan sa harap ng building? Hindi ako naniniwala sakanila. Baka ibang lalaki ang nakita nila at hindi si Kyle.

-

"O nga pala Luke, pwede ba akong magsama ng iba mamaya?"

"Sino'ng isasama mo? Si Ferrer ba? Of course, he needs to go—" He cut me off.

"Hindi siya." Sabi niya.

"Sige, ikaw ang bahala."

Hindi na ulit siya umimik hanggang sa makalabas kami ng faculty. Nasa lobby palang ako ay kitang-kita ko na ang itim na sasakyan na nakapark sa tapat ng building. Maya-maya pa ay may lumabas na lalaki mula sa sasakyan.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon