Chapter 20

977 55 8
                                    

Kyle

"Thank you, Jan." I said and then I closed the door.

Nagpatulong ako kay Jan sa pagawa ng cheese cake kasi hilong-hilo na ako sa mga pinagagawa ko. I'm not used to this. Hindi naman siya nag dalawang isip na tulungan ako dahil sanay na siya sa pagawa ng mga ganito para kay Michael.

"What should I do next?" Inilibot ko yung paningin ko sa mga sulok ng room. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Nang dumaan ako sa study room napansin ko yung mga nakabukas na libro at ang nakailaw na desk lamp.

"Oo nga pala! I need to study." Sabi ko at dali-daling tinungo ang naghihintay na mga libro. Alam kong migraine yung aabutin ko mamaya nito pero anong magagawa ko? Pinasok ko 'to eh.

"Shit!" Bulaslas ko nang makarinig ako ng malakas na pagkabukas ng pinto. Agad akong tumakbo papunta sa pintuan at nakita ko si Jake doon na nakatayo.

"Oh? Mukha kang nakakakita ng multo ah?" Tanong ko sakanya. Halatang tumakbo siya papunta rito. Hindi siya sumagot sa akin, tinapik lang niya ako at nagtitingin sa kung saan-saan na para bang may hinahanap na kung ano.

"Anong hinahanap mo? May naiwan ka ba?" Sinundan ko lang siya habang naglilibot siya sa loob ng sariling unit.

"Diba may duty ka pa? Why are you here?" Tanong ko ulit. Hindi siya sumasagot sa mga pinagsasabi ko.

"Why is there a knife here?"

"Shit I forgot to return it." Agad kong kinuha ito at ibinalik sa lagayan.

"May pumasok ba rito kanina?" Tanong niya.

"Oo—"

"Sino?"

"Si Jan." Sagot ko sakanya. He knows Jan and Michael so sure akong hindi na siya magtatanong pa.

"Si Jan lang? Wala na bang ibang pumasok dito?" Tanong niya ulit. Aba ang kulit!

"Wala na nga. Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba na pa-praning diyan?"

"Wala. I just—I just received a call from a stranger. I was worried about you so I rushed here." Sabi niya. Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"I'm fine, Jake. Don't worry." Sabi ko sakanya. He patted my head and turned my face to meet his.

"I was worried. Pero ngayon na alam kong safe ka, I'm fine na." He placed a soft kiss on my lips.

"Babalik na muna ako sa hospital." Inayos niya ang damit niya. Damn! Ang gwapo ng boyfriend ko, he's wearing a black tailored suit and loafers' brown shoes.

"Okay, ingat ka!" Sabi ko.

Sabi niya a stranger called him and he became worried about me. Pero hindi ko naitanong kung anong sinabi nung tumawag sakanya, I mean is it really serious? Nakita ko kasi sa reaction ni Jake na nagmamadali siyang umuwi to check on me. Inalis ko na sa utak ko yung pag-aalala, prank call na naman 'yon.

Bumalik na ako sa study table ko at ipinagpatuloy and madugong labanan. Ano na kaya ang nangyari kay Luke? Naubos na ata niya yung isang libro by now. Masipag 'yon eh, mas masipag pa kesa saakin. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag vibrate ito.

Jake: Let's have dinner at NP. I'll be home by six. Love you.

Kyle: Sure, can't wait. Love you too.

After I pressed the send button, an unknown number suddenly called me.

"Sino kaya 'to? Hello?" I answered the call.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon