Kyle
"Gago ka ba? Alam mo ba na muntik na kami mabangga ng ten-wheeler truck sa pagmamadali dahil sa pag-aalala namin sayo?" Halos maihi kami ni Luke sa takot at kaba nang malaman namin na nasa hospital si Karl. Pagdating namin sa hospital nakita namin si Karl na may maraming pasa at sugat sa kamay. May mga minor cuts siya na kailangang tahiin.
"Sorry naman, gusto ko lang na may kasama rito. Pinauwi ko si mommy kasi nag-aalala siya saakin." Sagot naman ni Karl.
"Sino ba kasing kaaway mo, bakit ka nagkaganyan?" Tanong ko.
"Oo nga, bakit napakahina mo?" Napatingin naman ako kay Luke nang sabihin niya na mahina si Karl. Iniinis niya ba si Karl?
"Ouch, grabe ka naman Luke. Nasira kaya yung motorbike ko." Sagot niya.
"Okay lang naman ako eh si mommy kasi nag panic nang makita yung mga sugat at pasa ko. I can treat myself because I'm a doctor pero pinilit niya akong pumunta rito sa hospital," he paused and observed his wounds, "Nakalimutan niya ata na doctor yung anak niya. Tsk." Natawa ako sa huling sinabi niya.
"Sino ba kasi yung kaaway mo?"
"May hinabol lang akong gago, hindi ko inasahan na magaling din pala 'yon mag maneho. Napasubo tuloy ako." Sabi niya. Nagkatinginan lang kami ni Luke.
"Jeez, so weak." Bulong ni Luke.
"Tinawagan mo na ba si Edward at si Jake?" Tanong ko sakanya. Hindi ko kasi ma contact si Jake.
"Oo, pero si Edward lang yung sumagot. I think busy si Jake ngayon. Ohh stop that, it hurts!"
"Weakling." Sabi ni Luke pagkatapos niyang i-poke yung pasa ni Karl.
"Wait for a sec." Sabi ko sakanilang dalawa at naglakad palabas ng hospital. Nakita ko kasing naglalakad si Jeff at si Samantha sa labas, ano kaya ang nangyari don? Unfortunately, hindi ko naabutan silang dalawa.
"...dela Merced." Napahinto ako sa aking narinig mula sa isang nurse. She's bringing some med at chart paakyat ng second floor kaya sinundan ko siya. Dahil sa curiosity ko nakabuntot ako doon sa nurse ngayon.
Pumasok siya sa isang silid kaya napatingin ako sa loob and there I saw someone na nakaupo sa hospital bed at nakatalikod sa pintuan. Dahan-dahang sumara yung pinto at nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan habang tinititigan ang lalaking nakaupo.
"Good day, sir." Bati nung nurse. I tilted my head to have a clearer view of the guy habang dahan-dahang sumasara yung pinto at—"Clark?" Nanlaki yung mata ko nang makita ko yung mukha ni Clark. Kahit na kalahati lang ng mukha niya yung nakita ko alam kong siya 'yon.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong kumatok sa pinto at binuksan ito.
"Kyle?" Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako na pumasok sa loob.
"Clark, what happened to you?" Dahan-dahan akong naglakad papalapit sakanya. I can't believe it! I was worried at mas lalong kinabahan ako nang makita ko si Clark ngayon dito sa hospital, confined at nakaupo sa hospital bed. Shit! He looks pale and weak, hindi ko siya kayang tignan sa ganitong state.
"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong niya.
"I was really worried about you, hindi ka kasi tumawag saakin and the last time we've seen each other hindi mabuti yung pakiramdam mo." Sabi ko.
"Nag-alala ka?" Nagulat ko ata siya sa sinabi ko but it's true, I am serious.
"Oo naman, we're friends." Sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomanceSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020