Kyle
Bumalik si Jake sa hospital ng parents niya. Sinabi niya saakin na mas mabuti raw na dito siya magtrabaho para maalagaan niya ako. Sino naman ako para tumanggi diba? Ako pa ba?
"So tell me, anong meron sa drama mo don sa birthday ko?" Tanong ko kay Chloe. Tatlong araw na yung dumaan mula noong nag celebrate ako ng birthday and after that hindi ko na nakita si Chloe. When I called her house ang sabi ng kasambahay nila isinama raw siya ng daddy niya sa isang business conference somewhere in Europe at kakauwi lang niya.
"Nagbreak na kami ni Martin." Panimula niya. Nasa pink bubble kami ngayon gusto niya kasing dito kami mag-usap at pumuyag na rin ako dahil nagbabakasakali rin ako na makita ko si Clark dito. Binigyan niya kasi ako ng gift, iniwan niya sa school. Hindi ako sigurado kung saan niya nalaman na birthday ko noong isang araw.
"Tapos?"
"To cut the long story to short, my parents decided to have their daughter be married to a businessman's son." Casual niyang sinabi.
"So si Alexander yung anak ng businessman tinutukoy mo?"
"Oo. Hindi ko naman talaga alam na siya yung tinutukoy ng parents ko eh, doon ko nalang nalaman na si Alexander pala yung anak na tinutukoy nila nang bumisita sila sa bahay."
"So 'yon pala yung nangyari. At pumayag ka naman?"
"Ano pa ba yung magagawa ko? As if naman may choice ako, diba?"
Pwede naman siyang tumanggi diba? I mean, don't tell me basta-basta nalang niyang tinaggap yung decision ng parents niya without fighting for her existing relationship with Martin.
"Paano si Martin?" Inilibot ko yung mata ko sa paligid. Sana makita ko si Clark dito. Gusto ko kasing magpasalamat sakanya, he's so thoughtful.
"Pinagbawalan na ako na makipagkita kay Martin. I know my father's capabilities; I don't want him to get hurt. Hindi naman ito isang kwento na kagaya ng Romeo and Juliet na dapat mo talagang ipaglaban yung relationship niyo hanggang sa kamatayan. Minsan you just need to let go of others para hindi na kayo masaktan pa kasi 'yon yung pinakamainam na desisyon."
"Mahal mo naman si Martin, diba?"
"Of course, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Martin. Siya lang kaya yung kano na sineryoso ko. At sa lahat ng naging boyfriend ko, sakanya lang ako nagtino. Maybe we're just not destined for each other."
"How about Alexander, do you like him?" I can see that she's not certain of what she feels for the guy kasi nakikita ko yung pagdadalawang isip sa kaniyang mga mata.
"Hindi naman mahirap mahalin si Alex. Magkaibigan na kami so magaan na yung loob ko sakanya. But, I still have a problem."
"Anong problema?" Kinuha niya ang pinkmilk at ininom ito.
"He still has a girlfriend, hindi pa sila naghihiwalay."
"What? That's insane! Hindi ba alam ng parents niyo 'yan? You left Martin for him tapos siya hindi siya nakipaghiwalay sa girlfriend niya? He's a jerk." Nakakainis! Ang galing pala magpanggap ni Alexander, may pa 'gusto ko kasing pormahan ang kaibigan mo' pa siya siyang nalalaman tapos 'yon pala may girlfriend siya.
"Ayaw kong makialam sa business niya with that girl or with his parents. Hahayaan ko na lang na malaman ng parents niya na nagloloko ang anak nila. He doesn't like me so I'm not forcing him. Ang mahalaga masaya yung parents ko. Para na rin ito sa future ko at sa future ng kompanya namin."
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomanceSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020