Kyle
"Sayang naman at wala si Ferrer," nagbibirong sabi ni Karl. Nandito kami ngayon sa bagong bukas na bar malapit sa NP. Hindi naman sa kill joy si Jake pero minsan 'pag hindi niya trip makipagbiro sa mga kasama niya nambabara siya kaya naman naiinis sila Karl sakanya 'pag nag-iinuman sila.
"Oo nga eh, sayang." Sabi naman ni Luke.
"Teka nga lang guys, para saan ba kasi ang gathering na 'to?" Tanong ni Chloe. Naalibadbaran ata siya sa mga lalaki niyang kasama kasi siya lang yung babae sa grupo.
"Oo nga, para saan ba 'to?" Tanong ko. Sinabi kasi ni Karl na may gathering pero hindi ko alam kung anong sadya niya. Baka may malaking announcement like magse-settle down na siya with someone he likes.
"Para sa continuation ng love story natin, babe." Sabi ni Karl. He's referring to Chloe, so mali pala yung iniisip ko.
"Fuck you, Balsin." Kinuha niya ang isang baso ng alak at ininom ito, "matagal na akong tapos sayo, 'wag kang feeling gwapo diyan." Sabi niya.
"Ano ba 'yan, hindi pa nga kayo lasing nagbabatuhan na kayo ng mga linya." Napatingin ako kay Jeff. Kakarating lang niya.
"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ko. Umusog ako ng kaonti kaya tumabi siya saakin. I was expecting to see Samantha.
"Oo may lakad kasi si Sam." Sagot ni Jeff.
"Great! Akala ko pa naman may darating pa na ibang babae." Sabi ni Chloe.
"How are you? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita ah." Pangangamusta saakin ni Jeff.
"Okay lang ako," kinuha ko yung isang bote ng beer at ibinigay sakanya, "Eto medyo busy sa studies." Sabi ko.
"Thanks, kaya mo 'yan. Ikaw pa." Sabay kindat saakin. I just smiled at him.
"Nga pala, bakit hindi ko nakita si Edward?" Tanong ni Karl. Speaking of Edward, hindi ko siya nakita this week eh.
"Oo nga, where is he?" Napatingin kaming lahat kay Luke.
"Relax. Hindi ko siya pinatay," pagbibiro niya.
"Actually, kasama rin siya sa med conference na pinuntahan ni Ferrer—"
"What? Bakit hindi mo sinabi saakin, Luke?"
"Kasi hindi ka naman nagtanong saakin kaya akala ko alam mo na na magkasama sila, hindi ka man lang nagtaka kung bakit hindi niya ako sinusundo this week." Sabi ni Luke.
"Lame!" Sigaw ni Chloe.
"Paano ba 'yan, wala yung heavy drinker natin dito." Karl is referring to Edward.
"Hindi na kaya umiinom si Edward, nagbago na 'yon." Sabi ko. Ang alam ko kasi noong freshmen pa kami, araw-araw lasing 'yon si Edward. Yung first thing in the morning can na ng beer yung hawak niya bago kape. Ang sabi pa nga ni Jake saakin na maraming beses na raw siya pinatawag doon sa office dahil pumapasok siya ng lasing sa class.
"Talaga ba? Nako, kalian ko kaya mahahanap yung Juliet ko para makamit ko na rin yung pagbabago ko." Sabi ni Karl habang kinikindatan si Chloe. Babaero kasi. Tsk
"Stop it, Karl. May fiancée na ang pinopormahan mo." Saway ko sakanya baka kasi hindi niya alam na may fiancée na si Chloe.
"Alam ko. Nakita ko nga yung gago eh." Nagkatinginan kami ni Luke.
"Don't tell me si—"
"Yup!" Hindi na pinatapos ni Karl yung sasabihin ni Luke at agad niya ito sinagot sabay nag thumbs up. Baliw talaga siya, ano ba kasing mapapala niya 'pag kinalaban niya si Alexander? Tsk.
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomantikSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020