Chapter 37

1K 52 17
                                    

"Are you ready?"

"Ready?"

"Ready to face him?"


Kyle

Hindi ko rin alam. I'm tired of pretending. Nakakapagod nang magsinungaling sa lahat na okay ako kahit na hindi naman talaga. This is my last shot. I need to end what we started. Hopefully, it will work. He told me that we will meet at a resort, he gave me the address and he told me that he is looking forward to see me there. Tignan mo nga naman.

"Ayaw ni Chloe na pumunta ka. 'Wag ka nalang kaya tumuloy."

"Jeff, ayos lang ako." I smiled at him. Two weeks of suffering is enough. It's time to face him. I blocked him in all the types of communication media na pwede niyang gamitin to reach out to me until yesterday, he used Karl.

"Sigurado ka ah." Kinuha ko ang cellphone ko at iniligay ko ito sa bulsa.

Ibinigay ko sakanya ang address ng resort na sinabi ni Jake. "Bakit doon pa? Pwede namang sa coffee shop nalang o di kaya'y sa restaurant. Ano bang gagawin n'yo doon? Maliligo?" Isinuot ko ang earphones ko. Ayokong magaway kami ni Jeff and now he's too annoying to be with. Kanina pa niya ako tinatalakan.

"Tanginang playlist 'to." Bulong ko at pumili ng ibang set ng mga kanta. Naalala ko si Ferrer sa lahat ng mga kantang nasa playlist na 'yon. Tinanggal ko ang earphones at ibinalik ito sa bag.

"Malapit na tayo sa resort. It's a highland resort." Napatingin ako sa google maps nang sabihin niya 'yon.

"Pamilyar ang resort na 'to." Sabi ko nang makarating kami sa entrance ng lugar.

"Nakapunta ka na rito?" Jeff asked me.

"Not yet but I'm pretty sure that I've heard of it somewhere." Sagot ko. Pumasok ang sasakyan naming sa loob. Isa sa mga gwardiya ang nagpahinto sa'min, "Sir, saan po kayo pupunta?" Tanong niya kay Jeff. Tinignan ako ni Jeff dahil hindi niya alam ang isasagot kaya nagsalita ako, "Silk Hall." Sabi ko sakanya.

"Ah, pwede ko bang malaman ang pangalan n'yo po?"

"Kyle. Kyle Castro." Sabi ko.

"Okay po, diretso lang po kayo riyan tapos may makikita po kayong signage." Tinuro niya ang direksyon papunta sa cottage na sinabi ko.

"Sige po, thank you." Sabi ni Jeff. Itinaas na niya ang bintana at nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Huminto kami sa isang cottage kung saan may nakalagay na Silk Hall sa labas. Natanaw namin ang pigura ng isang lalaki na nakatayo sa labas ng cottage. He was holding a phone at sa tingin ko ay may kausap siya sa telepono.

"It's him." Bulong ni Jeff. I tried to move closer to the windshield to have a clearer look at him. Si Jake nga.

"Now I'm having second thought." Sabi ko. Humarap ako kay Jeff. "Aalis ba tayo? Sabihin mo lang, hindi pa naman tayo nakakalabas ng kotse." Umiling ako, "No. Nandito na tayo." Inalis ko ang seatbelt na nakapulupot sa akin.

"Hey," Hinawakan niya ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako sakanya, "Look at me." Ganon din ang ginawa ko. I looked at him straight into his eyes. "'Yung nangyari sa'min ni Sam, isa iyong malaking pagkakamali. We tried to fix it but we just couldn't look at each other the way we do when we first met. I know that your relationship with Jake is different pero pareho tayong nagmahal, nasaktan din ako nung nakipaghiwalay ako kay Sam. Masasaktan ka rin. It's part of the process, dapat tayong masaktan at harapin ang kinatatakutan natin upang maghilom ang mga sugat dito," Tinuro niya ang puso ko. "You can do it. Nakaya ko at alam kong makakaya mo rin." Sabi niya. "Salamat." Niyakap ko siya ng mahigpit. He's always there for me. He never leaves my side.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon