Luke
"Ano ba kasi'ng ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kasama ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito kami ngayon sa office ni Chloe. Wala siya rito dahil Monday ngayon tapos naisipan naman ni Kyle na bumisita sa kaibigan niya, hindi ba siya na informed na Monday ngayon?
"Huwag ka ngang magulo diyan," Ani Kyle sabay tingin sa labas.
"May hinahanap ako." Wika niya.
"Monday kasi ngayon kaya wala rito si Chloe, ano ba! We're just wasting our time here. You know where to find her sa mga oras na 'to, diba?"
"Alam ko but I need to talk to them." Sagot naman niya. Ano ba 'yan! Iniwan ko lahat ng gawain ko sa dorm para lang dito.
"Talk to who?"
"Basta. Just stay still."
"Whatever, Castro." Bulong ko. Kumuha ako ng magazine sa table na nasa tabi ng sofa. Magkakilala si Kyle at yung secretary ni Chloe kaya pinayagan niya kaming pumasok dito sa office.
"They're here." Huling narinig ko kay Kyle at humarurot siya ng takbo palabas ng office. I placed back the magazine and when I looked at Kyle, na wala na siya sa paningin ko.
"Miss, nakita niyo po si Kyle?" I asked the secretary.
"I think pumunta po siya doon sa office ni ma'am Grace." I guess that's the name of Chloe's mother.
"Sige po." Nako! Ano ba 'tong kalokohan ni Kyle. Tsk.
Ilang minute pa ang lumipas nang makita ko si Alexander na lumabas mula sa isang silid.
"Alexander." Tinawag ko siya.
"Luke? Anong ginagawa mo rito?" He looks so formal.
"Sinamahan ko si Kyle." Tinuro ko yung office ng mama ni Chloe.
"Kyle? Nasa office ni Tita Grace si Kyle?" Wow lakas maka-tita.
"Oo." Akmang aalis na siya nang magsalita ako kaya huminto siya sa paglalakad at binaling ang tingin saakin.
"Nga pala, ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" Maga-apply ba siya ng trabaho? Ibang klase rin yung pormahan niya eh.
"Actually, I'm here to talk to my fiancée, and I was hoping to see her but turns out she's not around and so I just talked to her dad instead."
"fiancée? Sino?"
"Si Chloe." Halos mahulog yung panga ko sa gulat nang marinig ko ang sagot niya.
"Tangina! Fiancée mo si Chloe?" Bakit hindi ko 'to alam?
"Yes. It's a long story, but I'm glad I didn't get your help dahil baka hindi ko siya naging fiancée 'pag tinulungan ninyo ako." I hate him.
"I hate you." Bulong ko.
"Maraming salamat po." Narinig ko ang boses ni Kyle. Napatingin kaming dalawa ni Alexander sa direksyon na pinagmulan ng boses at nakita namin si Kyle na lumabas sa pintuan kasama ang isang babae, I guess that's Chloe's mother.
"Thank you rin, hijo."
"Sana po naintindihan niyo ako. I care for your daughter." Sabi ni Kyle.
"I will try to fix this, don't worry."
"Nandito pala si Alexander," Napansin ata kami ng mama ni Chloe, "Alex, can we talk?" Tanong niya kay Alexander. Agad naman 'tong naglakad papalapit sakanya.
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomanceSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020