Kyle
"Kuya! How are you? Matagal na kitang hindi nakikita. Hindi ka na umuuwi rito sa bahay, nagtatampo na ako sayo!" Bumungad saamin ang sumisigaw na kapatid ni Jake. Agad itong lumapit saamin at binigyan kami ng mahigpit na yakap.
"I'm really nagtatampo sayo." She pouted her lips.
"I'm here now and I brought you your favorite." Itinaas niya ang dala-dala niyang box ng cake. Kung alam lang ni Jessa kung anong pinagdaanan ko just to buy that cake for her. Ibang klase rin naman itong si Ferrer, ang sabi niya saakin ako raw yung bahala sa flavor at design ng cake na bibilhin ko para sa kapatid niya pero hindi niya sinabi na kasali pala yung desisyon niya sa pagpili. Shit it took us an hour to pick the right cake na sakto sa taste niya at sa taste ko. If I know, kahit anong cake naman kakainin nitong kapatid niya eh, siya lang talaga yung mapili.
"At ikaw din, Kuya Kyle. Nagtatampo rin ako sayo." Sabi niya.
"Oh bakit? Anong ginawa ko?" Nagkatinginan lang kami ni Jake.
Hinila niya ako ako papunta sa sala at pinaupo sa couch. Umupo siya sa tabi ko at kinuha yung phone niya. Tahimik lang akong nakaupo roon habang si Jake naman ay dumiretso sa kusina.
"Look," she showed me her phone.
"You didn't update Dream Guy." She said.
"Ah-eh," hindi ako makasagot sakanya. Ano bang isasagot ko sakanya?
"Ano na nangyari sa main character? Don't tell me papatayin mo sila nung partner niya? Why won't you give them a happy ending kasi sayang sila..." Hindi ko na maintindihan yung sinasabi ni Jessa kasi para na siyang nagra-rap sa bilis ng pagkakabigkas niya ng mga salita.
"Teka!" Sabi ko kaya napahinto siya.
"I'm so sad, matagal ka nang hindi gumagawa ng kwento. My heart for BL novels is crying." Sabi niya sabay pout. Paano ba 'to? Hindi ako pwedeng mangako sakanya dahil sigurado ako na hindi niya makakalimutan yung promise ko 'pag nagkataon.
"Who's Mico?" Muntik nang mapatalon si Jessa nang marinig niya ang boses ni Jake. Hindi ko inasahan na babasahin niya yung notification na nag pop-out sa phone ng kapatid niya, hindi ko nga binasa kasi hindi ako ganong klaseng tao pero si Jake, hindi pinalagpas yung pagkakataon. Tsk.
"What? Anong Mico?" Agad niyang binawi ang phone niya at ibinalik ito sa bulsa.
"Give me your phone." Utos ni Jake sa kapatid niya. So authoritative.
"Ano ka ba kuya, kung ano-ano ang nakikita mo sa phone ko. Baka pagod ka lang, kumain kana ba? Alam mo gumawa ako ng cookies kanina. Tikman mo, I'm sure you'll love it." Hinila niya yung kuya niya pabalik sa kusina.
"Hay buti nalang," I sighed.
I received a text from Karl, may gathering yung barkada next week. Naka book na yung venue kaya hindi na pwedeng ma re-schedule yung date, sayang hindi makakasama si Jake. Wala pa kasi siya sa time na 'yon eh.
"Hijo, nandito na pala kayo." Nakita ko ang daddy ni Jake na bumababa mula sa second floor. Shit! The great Doctor Nicholas Ferrer. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako kapag kausap ko ang daddy ni Jake, isang respetado at mahusay na doktor. Kahit na matanda na siya ay magaling pa rin siya sa kaniyang propesyon.
"Good afternoon po, tito." Sabi ko sakanya.
"Where's Jake?" Tanong niya. Tinuro ko yung kusina nila bago ako sumagot.
"Nasa kusina po kasama si Jessa." Sabi ko sakanya.
"Ahh, I see. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya 'pag nalaman niya na may boyfriend na yung kapatid niya. He's so overprotective."
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomansSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020