Chapter 19

860 48 2
                                    

Kyle

Ibinaba ko yung cellphone at ipinagpatuloy yung ginagawa ko.

"Ano pa ba yung kulang?" Tinanong ko yung sarili ko habang binabasa yung nasa ipad ko.

Yung kaonting flavor, shit! Naubusan ako ng lemon at vanilla extract. Kailangan kong bumaba para bumili ng mga kailangan ko sa supermarket.

I removed my apron and grab my wallet. Agad akong lumabas ng unit and on my way to the elevator nakita ko si Jan, yung kapitbahay namin.

"You're Kyle, right?" Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita at tinuro ako.

"Opo." Sabi ko sakanya.

"Ahh naalala kita." Sabi niya saakin. I just smiled at him.

"Kumusta na po pala si Michael? Matagal ko na siyang hindi nakikita na lumabas diyan sa condo niyo eh."

"Ahh umuwi muna si Michael sakanila, his mother is sick at hinahanap siya." Sabi naman ni Jan. Napansin kong galing siya sa supermarket dahil may dala siyang cheese at ham.

"Galing ka ba sa supermarket?"

"Oo eh may binili lang ako." Itinaas niya yung plastic na dala niya.

"Sige, baba na muna ako. May bibilhin pa kasi ako." Sabi ko at pumasok na ako sa elevator.

Ano ba 'yan, mas gusto kong kausap si Michael. Para kasing sobrang seryoso ni Jan 'pag kausap. Hindi ko magawang magbiro sa harapan niya.

-

"Seryoso? Naubusan kayo?" Tanong ko dun sa sales lady. Kung minamalas ka nga naman oh. Naubusan na kasi sila ng lemon at vanilla extract. Tapos baka bukas pa raw dadating yung bagong stocks.

"Sige po." I said to her and then walked away.

Paano ba 'yan? Kailangan kong lumabas para bumili. Bumalik ako sa taas at kinuha yung susi ng sasakyan ko. Nagbihis na rin ako kasi nakapambahay pa ako nang bumaba ako sa supermarket.

Nagmaneho ako papunta sa supermarket malapit sa Pink Bubble. The best thing about going to Pink Bubble is that want to buy some groceries, kung maisipan mo, it's easier for you to do so because there's a supermarket near the cute restau.

"There." Galak na sabi ko nang makita ko yung hinahanap ko. Kumuha ako ng marami at inilagay sa shopping cart na tulak-tulak ko. Dinamihan ko na baka kasi magkaubusan na naman.

"Tignan mo nga naman, nagkita ulit tayo." Narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa kabilang direksyon.

"Clark? Buti nagkita tayo!" He looks a little bit pale. Ano kaya ang nangyari sakanya? Lumapit ako sakanya.

"Hinanap mo pala ako?" Tanong niya.

"Oo. Gusto ko kasing magpasalamat sa ibinigay mo saakin nung birthday ko—teka paano mo pala nalaman na birthday ko?"

"Ah, madali lang. Nakita ko kasi yung account mo sa facebook. Maraming nag greet sayo kaya naisipan ko na rin na bigyan ka ng regalo. I didn't know where you live so iniwan ko nalang sa school mo." Sabi niya.

"Oh? Anong nangyari sayo? Matamlay ka ata ngayon?"

"Wala, medyo masama lang yung pakiramdam ko nung nakaraan." Sagot niya. Mapapansin mo talaga na matamlay siya dahil hindi siya kasing ingay nung huli kaming nagkita.

"Napano ka ba? Pumunta ka na ba sa hospital?"

"Wala okay lang ako. Kailangan ko lang talagang magpahinga." Sabi niya saakin. I tapped his shoulder.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon