Kyle
"Where have you been? You just missed Doctor Ji's class, tardy boy." Bungad saakin ni Luke pagkapasok ko sa library.
"Bumili ako ng libro, I bumped into a weird guy kaya na late ako." I lied, I went to Pink Bubble after the scene at the Bookstore.
"Talaga lang ha? So tell me, who is this weird guy? Is he more like Alexander?"
"No. He's far from being Alexander. He's more like Elio Perlman of call me by your name." Kinuha ko ang binili kong libro, I examined it.
"So he's a kid?"
"Elio is not a kid, he's a teenager. And age wise, we're like three years older than him." I'm referring to Clark.
"So anong pinagusapan ninyong dalawa? Was it really important kasi na missed mo talaga yung class ni Doc Ji, alam mo naman 'yon." He asked as he scanned the book that I bought.
"Wala. Nevermind about that guy, he's just a stranger." I told him. I roamed my eyes around the library, these new faces. Doon ko lang napagtanto na matagal na pala akong hindi nakapasok ulit dito, this was supposed to be my second home kung pumupunta ako dito sa campus.
"Alam kong na miss mo na 'tong library."
"Matagal-tagal na." Sabi ko.
"Umalis ka kasi sa dorm mo, ayan tuloy hindi kana nakakapunta dito."
"Hindi kasi ako papayagan ng parents ko na magstay sa dormitory. With all the bad things na nangyari saakin years ago, I can't blame them." Hindi kasi lumipat ng dorm si Luke, doon pa rin siya nakatira malapit sa old room ko.
"Malaki kana, Kyle. Wala nang mangyayari na masama sayo."
"Aminin mo nalang kasi na kung aalis ka doon sa dorm mo, liliit yung chance na magkikita kayo ni Edward." Pangiinis ko sakanya.
"Whatever, Castro. Anong plano mo ngayon? Mamayang three pa yung class natin, gusto mong lumabas?" Aya niya.
"I'm not sure, mas gusto ko kasing mag stay dito sa library."
"Naalala mo pa si Paul, right?" Napatingin ako sakanya.
"Paul? Yung president ng journalism club?"
"Oo. Nakita ko siya kanina malapit sa alumni office, I think isa siya sa mga batang officer." Bakit hindi na ikwento saakin ni Chloe na kasama niya pala si Paul? That girl talaga. Tumayo ako, hahanapin ko si Paul baka nandito pa siya sa campus.
"Oh? Saan ka pupunta?" Nagulat si Luke nang bigla akong tumayo.
"Hahanapin si Paul. Matagal ko nang hindi nakikita yung kaibigan ko." Kinuha ko yung libro ko kay Luke at inilagay ito sa bag. Dumiretso ako sa alumni office pagkalabas ko ng library.
"Tama nga yung hinala ko. You're here." I turned around.
"Clark? What are you doing here?" Nakita ko si Clark na may dalang envelop.
"Galing ako sa registrar's office, may pinapakuha kasing file yung pinsan ko saakin. She graduated 3 years ago." Sabi niya. Lumapit siya saakin.
"Sure?" Wala kasi akong naalala na dela Merced na natapos dito habang nag-aaral pa ako. I should know kasi sikat sila sa lugar na 'to.
"Ayaw mong maniwala? You can look at these documents." Iniabot niya yung envelop na hawak niya.
"'Wag na. That's confidential." Mukhang nagsasabi siya ng totoo.
"Pangalawang beses na tayong nagkita ngayong araw." Sabi niya. Teka nga lang, bakit ba ako nandito sa harap niya? Diba dapat hinahanap ko si Paul ngayon?
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomansaSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020