Kyle
"Hindi ka pa ba tapos diyan?" Chloe asked. Hindi ako mapalagay, bakit lahat nalang ng sinusuot ko nagmumukhang pangit sa paningin ko?
"Pang ilang bihis mo na ba 'yan?" Salubong saakin ni Chloe pagkalabas ko sa walk in closet ko.
"Hindi ko alam. Bakit ba kasi kailangan pa akong isama ni Jeff sa business meeting na 'yan, ano bang malay ko sa mga ganyan?" Pagdadabog ko. Hindi ko alam kung anong susuotin ko. Should I wear tux? Baka masyadong pormal.
"Dapat lang na ikaw yung sumama ano ka ba. Miss mo nga diba? Bakit ayaw mong pagbigyan?" Nagmamaldita 'yan kasi I interrupted her rejuvenating session. Wala naman kasi akong magawa eh hindi ko alam kung anong susuotin ko and I know when it comes to fashion, I can always count on Chloe.
"Ewan ko sayo. Sige na. How do I look? Do I look presentable? Over-dressed? Tell me."
"Don't pressure me, okay? You look better than the first 3 sets na sinuot mo so you're good to go na."
"Teka lang where are you going? Hindi pa tayo tapos!" Hinila ko siya pabalik sa upuan niya.
"Ano ba? Ano pa bang kulang?"
"Perfume. Pumili ka ng perfume diyan and tell me kung anong babagay sa occasion."
"Jusko Kyle ha mababaliw ako sayo."
-
"Are you sure na okay ka lang?" Hindi ako mapakali kasi I feel something strange na parang may mali.
"Para kasing may mali eh. I can't explain it."
"Alam mo Kyle natatakot na ako sa mga nararamdaman mo na 'yan. Magpa check up ka na kaya?" She looked at me as if parang may malala akong mental illness.
"Ano ka ba, anong sakit 'yang pinagsasabi mo? I'm perfectly fine. Natatakot lang talaga ako, natetensed na rin." Sagot ko. Nasa sala kami ngayon at naghihintay ako kay Jeff na dumating. Si Chloe naman sabi niya she's waiting for someone kasi may date din siya.
"Nagpaalam ka na ba kay Jake?"
"Actually hindi pa. Ayokong magalala siya lalo pa't si Jeff ang kasama ko. Sabi naman ni Jeff mukhang busy si Jake at uuwi naman kami agad so there's no need for me to worry."
"Sure ka na ba sa desisyon mong hindi sabihin kay Jake na aalis ka?"
"Can you please stop making me worried? Hindi pa nga ako nakakaalis na kokonsensya na ako." And then we heard a car making noise outside.
"I think it—"
"That's my date. Sige honey mauna na ako." Sabi niya at tumayo. Inayos niya ang buhok at damit niya.
"What? Anong date? Teka sino 'yang ka date mo Chloe?" Sinundan ko siya palabas ng bahay.
"Martin meet Kyle, my best friend." What I saw really shocked me. Chloe with an Italian guy? What the fuck is happening now?
"H-hello?" Nauutal pa ako. I can't believe it! I glared at Chloe. Humanda ka saakin mamaya Chloe.
"It's so good to meet you." Inabot niya ang kamay niya saakin.
"You know what Martin how 'bout we go na. We'll be late na kasi." Hinila ni Chloe si Martin papasok ng kotse niya.
"Really Chloe?" Humirit pa ako before siya pumasok ng koste.
"Good luck sa date niyo ni Jeff. Mauna na ako bye!" Sabi niya.
"Damn that girl." Babalik na sana ako sa loob but a car stopped in front of our gate and caught my attention.
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomansaSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020