Chapter 32

1K 58 15
                                    

Kyle

"Ayan kasi tignan mo tuloy 'yung nangyari sa mukha mo." I said while I put treatment to his wounds. Hindi ko inakala na ganito pala s'ya, isang isip-bata. Apparently, kasalanan din niya 'yung nangyaring kaguluhan kanina sa bar. He provoked Jake. When I got out from the rest room, nakita ko si Jake na kinikwelyuhan ang pinsan ko kaya inawat ko silang dalawa. Si Jake 'yung nagsalita nang inabutan ko silang dalawa. Anton was very reserved and silent, ngunit kahit na hindi nagsasalita ay nakakuha pa rin siya ng clients at successful pa rin siya sa kanilang business. Minsan lang siya nagsasalita ngunit 'yung minsan na 'yon ay napakamapanganib. He was using me para mainis si Jake.

"So ako pa 'yung may kasalanan? Ako na nga 'yung agrabyado rito. Ako na 'yung nabugbog pero ako pa rin 'yung sinisisi mo sa mga nangyari. Come on, Vins." He removed my hands and walk towards the sofa. Padabog siyang umupo roon at humarap sa cellphone niya.

"Hindi naman sa ganon, Anton. I'm just pointing out your mistake. Alam ko namang hindi ka sasaktan ni Jake kung hindi mo siya inunahan—"

"Ayan, lumabas din mula sa bibig mo. Bakit mo ba siya pinagtatakpan? Why can't you just admit the fact na baliw 'yung ex-boyfriend mo na 'yon? Madali lang 'yon kasi hiwalay na kayong dalawa." I sighed. Hindi niya kasi ako naiintindihan. Tumayo ako at naglakad papunta sa sofa, umupo ako sa harapan niya. "Ano bang gusto mong mangyari? Bakit ba galit na galit ka kay Jake?" I asked him.

"Kalimutan mo na siya, Vins. Nandito naman ako. I'll always be here for you, hindi kita sasaktan." Ayan na naman siya sa kagaguhan niya.

"What are you talking about Anton? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi tama 'to. Magpinsan nga tayo, mahirap bang intindihin 'yon?" Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sakanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sakanya ang sitwasyon namin dahil may katigasan din ang ulo nito. "So what? We're not blood related! Sa papel lang tayo magpinsan, Vins." Tumayo ako.

"Gago ka talaga Anton. Ano ba ang problema mo? Kausapin mo nga ako, isa ka pang dumadagdag sa sakit ng ulo ko eh." Pinilit ko siyang humarap sa'kin. "'Di ba sabi mo sa'kin na pumunta ka rito dahil hinahanap mo 'yung mga sagot sa mga katanungan mo? Sige na, itanong mo na sa'kin at baka alam ko 'yung sagot."

"Hindi na kita naiintindihan, Vins." He looked directly into my eyes. "Nasaan na 'yung Vins na kilala ko noon?" I closed my eyes for a moment at lumuhod ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap ko 'yon sa'kin. "Anton, hindi ako nagbago. Ganito na talaga ako. Please, umayos ka na. Hindi na ako masaya sa mga pinagagagawa mo. Stop messing your life and stop meddling in other people's business." Biglang kumunot 'yung noo niya.

"Hindi ikaw to, Vins. Fuck! Anong ginawa sa'yo ng doktor na 'yon? Hindi pa rin ba nila alam ni tita na sinaktan ka ng gagong 'yon?" Hinila ko siya paupo nang akmang lalabas siya sa kwarto ko.

"Stop, Anton. 'Wag mong idamay sila mommy. It's my own problem so labas na sila rito." Mas lalong tumindi 'yung galit na nakikita ko sa mga mata ni Anton. "A-anong sabi mo? Labas na 'yung pamilya mo sa bagay na'to? For pete's sake Kyle. Sila 'yung mga taong nagaalala para sa kalagayan mo. 'Di ba dapat mas may karapatan silang malaman kung ano'ng nangyayari sa buhay mo at kung paano ka niloko ng gagong 'yon? They have the right to know, Vins. Pamilya mo sila."

"Naguguluhan ako. Ayokong pati sila mommy ay magaalala sa'kin. Kaya ko ang sarili ko, kaya kong magpanggap sa harapan nila na okay ako kahit na deep down inside, wasak na wasak ako. Ayokong magalala 'yung parents ko sa'kin."

"Talaga bang 'yon ang dahilan, Vins? Kasi sa tingin ko hindi eh." I looked at him. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko kasi, hindi mo sinasabi sa parents mo 'yung totoong nangyari kasi ayaw mong magalit sila kay Jake dahil sa ginawa niya. It could be the reason why you tend to ignore the fact that your mommy is asking you about Jake's whereabouts at kung bakit hindi siya pumupunta rito sa bahay niyo. Or," He moved closer to me. "Or?" I asked him.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon