Kyle
After the week-long examination and Jake's conference balik sa dati ang lahat. 'Balik sa dati' means yung communication namin ni Jake bumalik sa normal, just like his first few weeks in States. At magdiwang ang mga bakla at unicorn sa mundo because Jake is treating me like how he treated me when he was still in college.
"Good mood ka ngayon ah, tumawag sayo?"
"Yes, Luke. Limang beses na siya tumawag this morning. Yung puso ko!" Abot langit yung tuwa ko kasi nakakausap ko na siya. Ano kayang nangyari? Baka na realized na niya na namimiss na niya ako at dahil iniyakan ko siya nung tumawag ako sa bar kaya siya bumabawi.
"Haha anong nangyari? Bakit biglaan yung pagbabago?"
"Hindi kasi kami nakapag-usap last week kasi pareho kaming busy. Baka bumabawi lang, alam mo na. Ako pa ba yung tatanggi?" Sabi ko sakanya.
"Baka may nagawa."
"Shut up. Selos ka lang kasi hindi nakabuntot si Edward sayo ngayon." Pumunta kasi si Edward sa Negros kasi may family gathering sila doon. Hindi na sumama si Luke kasi marami pa kaming dapat tapusin kaya naiwan siya dito.
"Whatever. Babalik naman siya next week eh kaya okay lang. At ano naman mapapala ko doon sa Negros?"
Edward is originally from Negros. I heard his family owns a big land at may malaking business kaya nakapag-aral siya dito sa Luzon.
"Nakapunta na kaya ako doon sa Negros. And believe it or not the place is great. There are a lot of tourist spots and resorts na pwede mong puntahan and it's all worth the travel. I'd love to go there again with Jake."
"Saan ba kayo nag stay don nung pumunta kayo?"
"I can't remember the name of the hotel but we stayed in Dumaguete City. Yung binansagang city of gentle people. Basta doon."
"I see. Ahh! I wanted to go there with Edward."
"Ano bang pinoproblema mo diyan? Diba ikaw na mismo yung nagsabi kay Edward na hindi ka pupunta? So ngayon gusto mong sumunod sakanya? Okay ka lang?" Ang sarap asarin si Luke. Actually, pwede naman siyang sumunod kay Edward sa Negros kaso sure kami na hindi siya papayagan ng parents niya.
"Susunod naman talaga ako eh. Pero si mama at papa yung problema."
"Napano na naman yung parents mo?"
"Wala namang nangyaring masama sa kanila. What I mean is hindi nila ako papayagan na sumunod kay Edward sa Negros kasi bad influence daw si Edward. Alam naman nila yung about sa relationship namin ni Edward pero ayaw nila na magkasama kami. How much more kung pumunta sa malayo kasama si Edward? It'll be the death of them."
"Buti pa pala ako. Pinayagan na ako nila mommy na mag stay doon sa condo ni Jake."
"Gago! Of course papayagan ka talaga nila eh alam nilang wala si Jake dito sa Pilipinas. So you're situation is no better than mine, we're on the same boat dude."
"Perfect timing!" Napatingin kaming dalawa ni Luke sa entrance ng Pink Bubble. It's Alexander wearing his favorite shades.
"Where is the sun?" Bulong ni Luke. Siniko ko siya agad baka kung ano pa masabi.
"You're here." I said.
"Yes, I'm here."
"Cr muna ako." Paalam ni Luke.
"Wait, that is Luke's pl—"
"I need your help." Umupo siya sa chair ni Luke at itinabi niya ang iced coffee at mga libro nito. He held my hands kaya napako yung mata ko sa kamay namin.
BINABASA MO ANG
Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]
RomanceSecond Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020