Chapter 10

988 55 3
                                    

Note: Check out my BL story 'Nothing to Regret'. Just click the external link. 

Kyle

Ilang buwan na ang lumipas mula noong umalis si Jake papunta sa States at within that span of time na magkalayo kami doon ko naranasan yung hirap at lungkot. Sa tuwing gusto ko siyang makita o makausap dahil malapit na akong mag breakdown hindi ko nagagawa kasi hindi nagmemeet yung schedule namin. Buti pa yung first month niya doon, nakakausap ko pa siya araw-araw. Pero ngayon? Halos message lang sa messenger tapos hindi na talaga kami nagkakausap. We even tried to arrange our schedule but it's still not enough.

"Nag-usap na ba kayo ni Jake?" Chloe asked me. Nasa cafeteria kami ngayon malapit sa faculty namin. Pinapatawag kasi siya ng school as one of the Alumni Officer ng campus. Yung mga matatanda kasing officers hindi makakapunta sa meeting nila because busy sa kaniya-kaniyang mga trabaho.

"Hindi pa rin eh. But he messaged me last night."

"Tapos? Anong nangyari?"

"Kasi midnight na siya nag message saakin natural hindi ko talaga mababasa at hindi ko naman kayang mag puyat especially ngayon na nag-aaral ako." I raised the thick books. These books are giving me migraine.

"I know. Ano daw'ng sabi niya?"

"Sabi niya may conference daw siyang sasalihan next week so definitely hindi siya makakapagchat or tawag saakin." Nakakalungkot kasi kahit naman walang conference hindi naman kami nag-uusap.

"Wala naman atang nagbago eh."

"Sinabi mo pa, Chloe."

"Kailan ba siya uuwi?" Kakarating lang ni Luke mula sa comfort room.

"I don't know. Hindi ko siya tinanong at ayaw ko siyang tanungin. Kayo nalang kaya ang magtanong sakanya? But don't tell him na I told you."

"We'll see about that. Hindi ba kayo lalabas ngayong gabi? Bored na bored na ako sa bahay."

"Speaking of lalabas, Edward invited me to come to his friend's party and guess what? He told me to bring you two! Diba ang galling ng boyfriend ko?"

"Ayaw ko ngang maging party crasher! Hindi ko din naman kilala yung mga pupunta sa party eh, tayo nalang kaya lumabas mamayang gabi? Mas mag eenjoy tayo." Chloe checked something on her phone.

"Wala akong meeting later so I'm free to go." She added.

"No. Ka batch lang ni Edward yung pupunta doon sa party so we can see familiar faces. Sige na, samahan niyo na ako." Pagmamakaawa ni Luke.

"Kayo nalang ata, mag-aaral pa ako." Sabi ko.

"Kyle, next week pa yung exam natin. Chill ka lang, okay? Sige na pupunta tayo mamayang gabi at susunduin namin kayo ni Edward sa mga bahay niyo. That's the plan."

"Pero—"

"Hindi mo na pwedeng bagohin yung plano Chloe. Magkita nalang tayo mamayang six. I'll be expecting you two. Wear something blue." Tumayo si Luke at naglakad paalis ng table namin.

"Oh saan siya pupunta?"

"Library, ata."

Hindi ko feel pumunta sa party mamayang gabi, I'm sure I'll meet Jake's classmates and they will definitely ask me about Jake. Wala naman ako masyadong maisagot sakanila 'pag nagtatanong sila eh.

"Ito na yung mga replies mo sakanya? Napaka lame mo Kyle, alam mo kung ako magbabasa nito iisipin ko talaga na hindi mo ako namimiss." Komento ni Chloe habang binabasa niya ang convo namin ni Jake. I allowed her to read some of it kasi para malaman niya kung ano ang status namin ni Jake.

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon