Chapter 38

1.1K 56 14
                                    

Kyle

"DOA." Nauutal kong bigkas mula sa mensahe na ipinadala ni Karl sa'kin. Napaupo ako sa pinakamalapit na silya at napahawak ako sa aking naninikip na dibdib. He's dead.

"Anong nangyari doon sa hospital? Ayos lang ba siya?" Lumapit si Chloe sa akin at tinapik niya ng bahagya ang aking balikat. Inangat ko ang aking ulo upang makita ko ang namumutla niyang mukha habang pinipigilan ko ang namumuong luha sa aking mga mata. Kanina ko pa ito nararamdaman sa loob ko. Hindi naman niya ata deserve ang ganito kahit na marami s'yang nagawang kasalanan sa'min at sa ibang tao.

"Anong gusto mo, pupunta ba tayo doon?" Tanong niya sa'kin.

"I don't know." Umiling ako, "Dito nalang a-ata tayo." Napapikit ako. Isa-isang lumabas at tumulo ang luha ko. Naramdaman ko ang pagpatak nito sa aking mga kamay na nakapatong sa'king mga paa.

"Are you okay?" She sat beside me.

"Hindi ata ako magiging okay, kahit kalian." I said while wiping the tears on my face.

"Kaya mo 'yan Castro, okay? Malalampasan mo rin ito." Sabi niya. Hinagod niya ang likuran ko. Chloe makes me feel very comfortable. Sa lahat ng kilala at kaibigan ko, siya lang ang nag-iisang tao na kaya akong intindihin at kayang pagaanin ang loob ko. If I were a straight guy, I think I'd marry her. She's a good friend that everyone could ask for.

"Thank you, Chloe. You're always there for me through my ups and downs. Hindi ka pa rin nagbabago kahit na ikakasal ka na, kahit na may inaasikaso ka ng kompanya at may sariling buhay ka na ngayon."

"That's because you're my best friend." She wiped away the tears on my face, "Ikaw lang din naman ang nandiyan para tulungan ako sa mga problema ko. I am not the perfect friend, may mga pagkakamali rin ako at mga pagkukulang bilang isang kaibigan mo. But despite my shortcomings, you still considered me as your friend. Kaya I'm always here for you."

"Thank you." I smiled at her.

"Ano ka ba, para saan pa't naging magkaibigan tayo kung hindi kita matutulungan?" She winked at me. "Oo nga pala, hindi pa ba bumabalik si Jake?" Umiling ako. Si Jake ang tumulong kay Jane upang dalhin si Clark sa hospital. He called for an ambulance and help. He looks really worried. Sino ba naman ang hindi, makita mo ba naman ang isang taong duguan sa harapan n'yo at walang malay. He saves lives. Nature na ni Jake ang tulungan ang mga taong nangangailangan. He's a Doctor.

"Akala ko ba nagsisisi na si Jake sa ginawa niya sa'yo? Eh kung ayos lang si Clark doon, bumalik na sana siya rito—"

"Clark's dead. Hindi na siya nakaabot sa hospital." I cut her off. She doesn't know kaya nasasabi niya ang mga iyon.

"W-what? Patay na si Clark?" Napatayo siya sa gulat. Alam ko kung anong iniisip niya, hindi ito deserve ni Clark.

"Now you know the reason why I felt so down. Clark died, because of me."

"Ayan ka na naman. Sinisisi mo na naman ang sarili mo eh. Hindi mo naman siya itinulak para masagasaan. Tumakbo siya palabas, hindi niya tinignan ang daan bago siya lumabas. It was an accident. Stop blaming yourself for what happened." Aniya. Napahawak ako sa leeg ko.

"Magkakabalikan na sana kami ni Jake kanina eh," Nakita ko ang gulat sa mukha niya kaya umiwas ako ng tingin, "Pero 'yon ang nangyari. Hindi namin natapos ang aming pag-uusap. It means, ayaw talaga ng tadhana na magkabalikan kami. Maraming masasamang bagay na nangyayari kapag magkasama kami. Kaya siguro hindi kami para sa isa't—"

"Kyle," A man's voice caused me to stop talking. Napatingin ako sa entrance ng cottage at doon ko nakita si Jeff na nakatayo. His shirt has blood stains. "Bumalik ka na pala, where's J—"

Dream Guy 2 (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon