Hi guyss sana magustuhan nyo yung story na ginawa ko. hihihihi^_^ Enjoy reading!.
ps. Sorry kung may mga typo^_^
Raxel Clyde's POV
" Gusto kong makalimot" malungkot na sabi ni xXael.
Ramdam na ramdam kong nasasaktan pa din sya ng sobra kasi Isang linggo pa lang naman yung nakakaraan nung maghiwalay sila ni Enzo e. Matagal kasing makalimot ang mga babae pero yung ibang babae iyak ng iyak at pinipilit yung sarili dun sa mga ex nila iba si Xael, sya yung tipo ng tao na akala mo hindi nasasaktan aakalain mong kaya nya pero mahina din sya. Ilang beses na din yang umiyak sa amin ni Jax e kasi nga wala syang masabihan, wala syang mapaglalabasan ng mga hinanakit nya kahit sobrang sakit din para sakin nakikinig at nag aadvice na lang din ako.
Kung nasasaktan si Xael mas nasasaktan ako. Kasi yung taong gusto ko nasasaktan dahil sa taong mahal nya at ang mas masakit pa don wala akong magawa kasi kaibigan lang naman ang turing nya sakin.
"Nagkaboyfriend ka pala Zariah?" sabi ni lesly.
" Oo naman. 2years din kami non. Mahal na mahal ko yon hindi ko nga alam kung bakit kami nagkaganito e" nagsimula na syang magkwento.
' shete! ang sakit neto sa part ko.!
" Okay kami. Masaya relationship namin pero hindi ko alam kung bakit naging ganon. Simula nung naging busy ako sa studies nawawalan na ako ng oras sa kanya hindi ko na sya masyadong nakakausap, hindi na kami madalas magsama. Akala ko nga naiintindihan nya ako non e pero hindi pala. Ginagawa ko naman yon para din saming dalawa e pero nung last last week nagsimula na akong maghinala sa kanya. Hanggang sa nakita ko na mismo sila nung babae. Itong si Raxel ang kasama ko non, nung araw na yon. Sobrang sakit kasi lahat naman ginawa ko para maging masaya para makontento sya sakin pero kulang pa din pala yon" sa sandaling yon nakatitig lang ako sa kanya, umiiyak na sya pero walang tunog which is alam kong mas masakit kasi pinipigilan nya.
" Alam mo Zariah wala namang perpektong relasyon e may mga pagkakataon talaga na nangyayari yung mga ganyan. Wala ka namang ibang choice kung hindi ang tanggapin e at harapin ang katotohanan." sabi ni ate Aila.
"Makakahanap ka din ng mas better sa kanya Zaxa. Malay mo nasa tabi tabi lang pala hindi mo lang napapansin" sabay tingin ni Jax sakin ng nakakaasar .
'bwisit talaga to e. Mapapahamak pa ko!!
"At sinong tinutukoy mo asher Jax?" seryosong tanong naman ni Xael.
"Wala naman Zaxa nagsasabi lang ako hehe" si Jax.
Takot kami ni Jax kay Xael kasi iba din to tumitig pag galit na e. Nakakatakot parang papatayin ka gamit ang matatalim nyang tingin.
"Si Clyde daw ang tinutukoy ni Jax " nakangisi namang sabi ni ate Aila.
'fvck!'
"Si Raxel?" tanong nya pa. Nakatingin sya sakin ng deretso at bigla namang umangat ang kaliwang labi nya.
"Pwede naman" dagdag pa nito.
'shit'
"Pero isa sya sa mga kaibigan ko. Nakakatakot yang mahalin e hindi ko alam kong seryoso o hindi masyadong gwapo para sakin HAHAHA" Sabay tawa nya
"Madali kang mahalin pero ang hirap mong kalimutan" sinserong sabi nya pa.
"tsh. Just like you"hindi ko na napigilan yung sarili ko. Kaya inubos ko na yung beer na hawak hawak ko sa sobrang tense!.
"Tss." yun na lang din ang sinabi tsaka uminom ulit.
Nakakatense ang scenario na to kasi lahat kami tahimik at nagpapakiramdaman kung magsasalita.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
RandomTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...