CHAPTER 29

13 2 0
                                    

Hi guyss sana magustuhan nyo yung story na ginawa ko. hihihihi^_^ Enjoy reading!.

ps. Sorry kung may mga typo^_^

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila nang hindi pa ako okay. Hindi ko na lang pinahalata Kay raddix dahil ayokong malaman nya agad. Kailangan ko munang siguraduhin bago ko ipaalam lalong lalo na kay clyde.

At kung tama nga ako na....

'Yung stepmom ni raddix ang mama ni clyde'

Napaka hirap sa'kin ang ganitong sitwasyon, lalo na at ako ang nasa gitna nang dalawa kong malapit na kaibigan. Shet lang dahil hindi makakayanan ng konsensya ko na magtago ng sikreto ky Clyde at raddix lalo naman kung masasaktan ko sila.

"Hoy pre, ayos ka lang?" nag aalalang tanong sa'kin ni rad habang kumakain kami sa dining nila.

"Ah. Oo pre hahahaha gutom lang ako haba ng byahe e" pagdadahilan ko naman.

"Kain lang ng kain jax. Mga favorite ni raddix yan" nakangiting saad ng mama ni rad.

na mama din ni clyde..

"Hahaha mukha nga pong masarap tita" nakangiti kong sambit.

"Hindi ko pa pala napapakilala sila sayo no'? hahahaha" singit naman ni rad.

"This is Issac Ferrer my dad, and this is Rina Ferrer my stepmom" walang halong pagsisisi na sabi ni raddix.

"Ivonne Rei did not come because her school have event today" Paliwanag ni tito.

"Ahh oo nga po, nakwento ni rad" magalang na sagot ko.

"Eat more jax ha?" pag uulit ni pa ni tita.

Kitang kita ko ang pagkakahawig nila ni Clyde pag ngumingiti ito. Kaya hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya.

Natapos na kaming kumain at nagpaalam sa parents nya na maglalaro muna sa game room ni rad na palagi naming tinatambayan.

"Ah teka lang rad ah, may kakausapin lang ako" pag papaalam ko sa kanyan tsaka lumiko papunta sa veranda nila dito sa second floor.

Dali dali kong dinial ang number ni zaxa dahil hindi na kaya ng utak kong sarilihin ito.

"Ano" bungad nya sa'kin nang sagutin ang tawag.

"May sasabihin akong importante zaxa" bulong ko pero sinigurado kong dinig yon sa kabilang linya.

"What's that? spill it" bagot nyang sagot.

Napasapo ako sa noo ko st tsaka nagpalinga linga sa paligid.

"Yung mommy ni raddix, sya yung mommy ni clyde" pahina ng pahina na sabi ko.

" Are you sure? baka naman kamuka lang?" tanong nya ulit.

"Hindi ako pwedeng magkamali zaxa, diba mabilis ako makatanda ng mga tao?" pangungumbinsi ko pa.

"Fuck, what a small world" pamumura nya pa.

"Ano gagawin natin?" kabadong tanong ko.

"Don't tell him. Hangga't hindi pa tayo sigurado, gamitin mo kadaldalan mo para magtanong tss"

"Sige sige. Sasabihan kita pag may nalaman na ako" medyo nahimasmasan na ako.

"Jax, ang tagal mo" nag uunahan ang sa pagtibok ang puso ko sa sobrang kaba ko nang biglang sumulpot si rad.

MAKE YOU MINE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon