Hi guyss sana magustuhan nyo yung story na ginawa ko. hihihihi^_^ Enjoy reading!.
ps. Sorry kung may mga typo^_^
Kanina pa kami ikot ng ikot dito sa watsons at hindi pa din sya matapos tapos sa pamimili nya. Nakasunod lang naman ako sa kanya habang tulak tulak ang cart na medyo maliit.
"What do you think? this or this?" humarap sya sa'kin habang nakataas sa magkabilang kamay ang cosmetics na hindi ko alam kung ano.
Napakamot ako sa batok ko at nag aalinlangang tumingin sa kanya.
"Para san ba yan?" tanong ko.
"It's a foundation clyde" ngiwi nya sa'kin.
"Aahh. Ito na lang nasa kaliwa mo medyo kakulay ng mukha mo e" suhestyon ko naman.
Tiningnan nya yon tsaka binalingan yung isa pang hawak.
"But I think mas maganda to" taas nya sa kanang kamay nya.
"Ba't mo pa ako pinapili?" saad ko.
"Tch. Fine ito na kukunin ko" sabay lapag nya nung pinili ko sa cart na tulak ko.
"May bibilihin ka pa ba?" tanong ko habang nakasunod pa din sa kanya.
"Aahhmm. Sanitary napkins na lang" dire diretsong sabi nya tsaka kami tumigil sa mga sanitary napkins.
"You can walk around here in watsons baka may gusto kang bilihin" saad nya habang namimili.
"Hindi naman ako mahilig sa mga make up kenemerut na yan. Dito na lang ako" sagot ko naman.
"okay" walang kwenta nyang sagot at namili pa din.
Natapos na kami don at dumiretso na sa counter para magbayad. Pinaglalagay na nya yung mga pinamili nya kaya tinulungan ko na sya.
Nakita ko namang tingin ng tingin sakin yung babae sa counter at palihin na ngumingiti. Hindi ko na lang sya pinansin at nagtuloy sa ginagawa.
Napansin ko naman na masama na ang tingin ni ali dun sa babae kaya siniko ko sya.
"Baka bugahan mo ng apoy yan easy ka lang" sita ko sa kanya.
"She's a freaking bitch" bulong nya din sa'kin.
"Inaano ka ba?" ngisi kong tanong.
"Whatever. Magsama kayo" inirapan nya ako at nagbayad na dun sa babae.
Ngingisi ngisi naman ako sa tabi nya habang tinitingnan ang galaw nya.
Kukuhanin na nya sana yung mga pinamili nya nung maunahan ko sya at hinablot yon sa kamay nya. Nagulat pa syang tumingin sa'kin tsaka ko nginitian.
Umirap sya at namula ang pisnge nung maunang maglakad sakin, sinundan ko naman sya agad para masabayan ko.
"Lagi mo na lang akong iniiwan no?" makahulugang tanong ko sa kanya dahilan para lumingon sya.
"What do you mean?" tanong nya pabalik.
"Lagi mo na lang akong iniiwan, sige ka baka sa susunod hindi mo na ako makitang sumusunod sayo"
pero hindi yon mangyayari.
" You're talking nonsense, tanda" sabay ngisi nya.
"A-ano?! tanda ba kamo?" naghahamong tanong ko.
"Yes. Diba you're calling me bata? hahaha then you are tanda bleehh!" sabay takbo nya at dire diretsong pumasok sa sasakyan nya.
Iiling iling naman akong sumunod sa kanya tsaka pinaglalagay sa likod ng sasakyan nya yung mga pinamili.
Tinulungan ako ni kuya edgar na maglagay.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
RandomTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...