CHAPTER 30

25 2 0
                                    

"Kingina! ang dami naman nyan!"

Nakauwe na ako sa bahay at naabutan ko yung dalawa na naglilinis ng bahay, nagtutupi ng damit, gumagawa ng kung ano ano.

"Aba malay ko, dinagdagan nya" sagot ko habang nilalagay sa mesa yung mga plastic na may laman na groceries.

"Teka ano to?" pinapakealaman na nya yung mga paper bag na may laman na libro.

"Bigay sa inyo" sagot ko

"Wow! libro! engineering, lawyer, nursing! ang galing kumpleto!" tuwang tuwa na sambit ni raxel.

Napatitig ako nang bahagya kay raxel nung tumawa sya at pasiring na tiningnan si asher.

kingina, buhos iyak mo pag nalaman mo totoo.

"Masaya ka?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Aba oo naman no! lalo akong gaganahan mag aral e!" sobrang lawak ng ngiti nya at nagtatatalon pa na parang bata.

Sa aming tatlo, si raxel ang pinaka sensitive kaya lagi naming pinagtutuunan ng pansin.

"Oh, bakit? may problema ba?" maya maya'y tanong nya.

"Wala. Masaya akong masaya ka" sinsero kong saad.

"Alam ko na! gagawa ako ng shelves para mai display din natin dito sa sala" singit ni asher tsaka pasimpleng nag thumbs up.

"Sige tutulong na ako sayo jax. Xael ikaw na bahala dito a" baling naman nya sa'kin.

Ngumiti lang ako pero at agad din yung nawala nung tumalikod sya sa'kin at naisip na naman yung sinabi ni asher.

Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number ni Isaiah.

***calling Isaiah Ferrer***

"Hello? zariah?" bati nya sa'kin.

"Isaiah"

"Hmm. Ano yun?"

"Let's meet, I want to ask you something" dire diretsong sabi ko.

"A-ah e kasi... pwede dito na lang sa bahay? andito parents ko e" kabadong sabi nya.

"Ah sige. Hindi ko alam bahay mo"

"Sunduin kita don sa may overpass"

"Sigesige. Antayin mo ako don" pg sang ayon ko sa kanya.

"Ah zariah, nagpaalam ka ba kay bossing?" kabado pa din sya.

"Bakit ako magpapaalam?" tumaas ang kilay ko sa tanong nya.

"Ah... wala wala sige pupunta na ako"

Binaba ko na yung call tsaka lumabas at pinuntahan si raxel.

"Raxel! halika dito" sigaw ko sa kanya.

Dali dali naman syang lumapit.

"Diba may picture ka ng mama mo?" nag aalinlangan ako sa pagtatanong.

"Ah meron! pero anong gagawin mo? kukulamin mo?! wag uy!" sunod sunod na sabi nya.

"Timang! hindi, gusto ko lang ulit makita" sinapok ko pa sya ng bahagya.

MAKE YOU MINE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon