Asher Jax's POV
Andito ako ngayon sa bahay kasama si clyde. Si zaxa naman ay pumunta sa bahay nila raddix para alamin nga yung totoo.
Tinext nya yon sa'kin. Hindi ko mahulaan kung ano ang nasa utak ni zaxa pero alam kong ginagawa nya yon para sa dalawa naming kaibigan.
Naayos na namin yung shelves para sa mga books namin kaya itatabi naman na namin yung mga pinamili na groceries ni zaxa. Hindi ko pa sya natanong kung bakit ganon kadami yung groceries nya.
"Jax, alam mo ba kung nasaan yon si xael?"biglang tanong nya sa'kin habang inaayos ang mga pagkain na nasa ref.
"Hindi pre" pagsisinungaling ko.
"Baka dyan lang sa tabi tabi nag iisip, kilala mo naman yon gusto lagi mag isa" pagdadahilan ko.
"Ako na magluluto ha?" ganadong sabi nya sa'kin.
"Parang sobrang saya mo naman ata?" I teased him with my eyes.
"Sobra jax! Hahahahaha"
"Dahil yan kay alicia?" kunyaring hindi ko alam sabay umiling iling.
Tinamaan na potek!
"Kaibigan talaga kita! HAHAHA" tawa pa sya.
"Hahahaha kilalang kilala ko mga tipo mo e! mga mas bata sayo" panunukso ko pa.
"Si ali lang naman ang nagustuhan ko na mas bata sa'kin ah?" pagtatama nya pa.
"May nagustuhan ka lang na iba kinalimutan mo na si zaxa, tsk tsk tsk" umiiling iling pa ako habang nilalagay yung mga pinamili sa maliit na pantry namin.
"Hoy! hindi ko nakalimutan no! sadyang okay na lang ako kay xael ngayon" pagtatama pa.
"Sus! e nasabi mo na ba kay zaxa yan?"
"Dapat nga ngayon kaso wala naman sya." nalulungkot na sabi nya.
Hindi na ulit kami nag usap dahil nag music na lang sya.
Yun din ang pagkakapareha naming tatlo, mahilig sa music. Kapag ang boring ng ambiance nag mumusic lang kami.
"Ang tagal naman nung babaeng yon?" nagulat ako sa sinabing yon ni clyde. Nagbabasa kami ngayon nung libro na binili ni zaxa.
"10pm na wala pa din?! lagot talaga sa'kin yung babaeng yon?!" tumayo na sya at nakatalikod na sa pinto.
Kitang kita ko naman dito ang tahimik na pagpasok ni zaxa at sinenyasan ako na wag maingay kay clyde.
Ginamit ko naman ang acting skills ko kaya kunyaring galit din ako at sasabayan ko si clyde.
"Oo nga e, hindi man lang nagtetext e! hhmpp!" kumunot yung noo kong nakatingin kay Clyde at pasimpleng tumingin kay zaxa na nakasandal na sa pinto namin.
"Lagot talaga sa'kin yon! nako jax!" gigil na asik ni clyde.
"Bakit, anong gagawin mo?" pagtatanong ni zaxa na gamit ang malaking boses nya.
"Nako! pagagalitan ko talaga yon! tatalaka...." hindi na natapos sabihin ni clyde yon nang marealize nya kung sino yung nagtanong.
Dahan dahan naman syang lumingon sa gawi ni zaxa at nakangangang humarap.
Pfft. Mukang tanga!
Pigil na pigil na yung tawa ko habang pinapanood yung dalawa.
"Anong gagawin mo nga ulit?" pagtatanong pa ulit ni zaxa sa mukang tanga na si clyde.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
AcakTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...