CHAPTER 38

24 1 0
                                    


Isaiah Raddix POV

Natapos na yung game nila Jax at hindi pa din bumabalik si bossing. Hindi ko din kasi sya matawagan, iba yung pakiramdam namin ngayon e. Panalo sila Jax at iba naman ang makakalaban nila bukas.

Andito kami sa bench na sinabi ni Zariah na tatambayan nya pero wala sya dito.

" Nasaan na kaya yung babaeng yon?" tanong ni Clyde.

Kanina pa kami isip ng isip dito  kung nasaan si Zariah.

" Baka they're together naman, kaya hindi nila sinasagot yung call" suggest naman ni Alicia.

" It's impossible Alicia, luke didn't answer my calls and even Zariah. Nagtetext naman ang isa sa kanila kung magkasama sila diba?" si Blaze.

"Oo nga naman, tsaka sa hilatsa ng mukha ni Zariah kanina e badtrip yon kay bossing." sagot ko naman.

" Hey tanda! will you please stop walking and walking and walking?! you're so nakakahilo kaya duh?!" reklamo ni alicia kay Clyde.

Pfft. Cute talaga nitong batang to! hahahah.

" Hindi mo yan mapipigilan si Clyde, ganyan yan pag si Zaxa na ang hindi matawagan.

" Dala dalawa ang phone parehas walang pakinabang!" sabay sabay kaming napatingin kay Clyde nung nagsalita sya.

Halos lahat naman kami dito e nag aalala pero si Clyde lang talaga yung pinaka OA pag si Zariah na ang nawawala.

Ilang minuto pa kaming nasa ganoong sitwasyon  nung makita ko sa bossing na papalapit samin habang nagpupunas ng labi.

'Anak ka ng! bakit may lipstick sya na tinatanggal?!'

Imposibleng kay Zariah yon dahil unang una hindi naman naglilipstick yon, pangalawa ay hinding hindi naman gagwin ni bossing kay Zariah yon.

" Bossing! Over here!" sabay sabay lumingon yung mga kasama ko kung saan ako nakatingin at nagulat sila nnung makita nila si bossing.

Pagkalapit na paglapit ni bossing ay si Clyde ang naunang nagtanong.

" Luke, nasaan si Xael?" may halong galit yung pagtatanong nya.

Hindi sya sumagot at pinakatitigan lang si Clyde.

"Ano Luke, nakita mo man lang ba si Zaxa?" si jax naman.

"Sabihin mo na samin, please" pagmamakaawa ni Clyde.

" She's not here in school." sagot ni bossing.

" Saan pumunta bossing?" ako naman yung nagtanong.

" I don't know," bumuntong hininga muna sya bago magsalita ulit." She saw kim and me kissing"

Hindi kami halos nakapagsalita agad sa sinabi nya at nakatitig lang. Nagulat kaming lahat sa sinabi nya.

' E-edi lipstick ni kim yon?' tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa din kay bossing.

"K-kailan?" putol putol na tanong ni Clyde.

" Kanina lang" walang emosyong sagot nya.

Nabigla kaming lahat nung sinugod ni Clyde si bossing. Nakaiwas agad si bossing sa suntok ni Clyde kaya inawat agad namin sya.

" Bakit mo nagawa yon ha!" singhal kay kay bossing.

Ngumisi lang sya habang nakatingin ng maangas kay Clyde. Kilala ko si bossing, alam kong hindi yon gagawa ng alam nyang maiipit sya pero iba yung ngayon.

MAKE YOU MINE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon