"Zaxa! magtago ka bilis!"
Napalingon kami nina jayden nung sumigaw bigla si asher sa may gate. Uwian na kasi namin at inaantay na lang sila raxel at leith. Bigla ay nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa sinigaw nya kaya nagpanic ako!
taena naman kasi e! sino ba kasing naghahanap sakin!!
Bigla na lang may humigit sa'kin papunta sa isang sulok at tinakpan ang bibig ko. Naimulat ko ang mata ko at nanlaki ng bahagya nung nakita ko si jayden sa harapan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sakin kaya naduduling ako!
"Sshhh. You're father is here" bulong nya sa tenga ko.
Ano! yung Mr. Larkin na yon! letche talaga!
"Bakit daw?" bulong ko din sa kanya. Hindi sya sumagot at medyo lumayo lang sa mukha ko tapos ay sinenyasan akong silipin sya kausap sina isaiah.
Rinig na rinig namin mula dito ang usapan nila.
"Di ba kayo yung pumunta sa bahay nung lumayas yung anak ko?!" pagalit na sabi nya kila asher, raxel, isaiah at pati si leith na hindi alam kung anong nangyayari.
Anak your face! tss
"I think he wants you to go back to your house" mahinang nya habang hawak ang braso ko kasi baka bigla akong tumakbo.
"Tss. Hindi na uy" bulong ko habang nakikinig pa din sa pinag uusapan nila. Lumapit naman sya sa may tenga ko at nakichismis.
"Yes po. Pero hindi na namin alam kung nasaan sya" pormal at seryosong sabi ni asher habang kausap si Mr. Larkin.
"Ano?! hindi ba't kayo ang huling kasama nya?!" galit na naman sya.
"Hindi ho ba't pinalayas nyo sya? she didn't accept our offer sir. I'm sorry we don't know where's your daughter" magalang na sabi ni raxel tsaka tinalikuran yung kausap nya. Sumunod na agad sila Isaiah kat raxel.
Paglingon ko naman ay halos magtama na ang ilong namin ni jayden sa sobrang lapit. Lumayo ako agad dahil hindi ako makahinga.
"Let's go" Hahatakin na naman sana nya ako pero iniwas ko ang kamay ko at tinaasan sya ng kilay.
"Raddix texted me that we can go to the shop now" he sighed after saying that.
Tiningnan ko naman yung phone ko at nakitang nagtext si asher na andon na sila sa shop at pwede na kaming lumabas.
"Ge tara" pag aaya ko naman sa kanya at iniwanan sya don. Syempre dahil matangkad sya at mahaba ang legs nya ay naabutan agad ako at walang pasabing hinawakan ang braso ko.
Matangkad si Jayden, siguro hanggang leeg nya lang ako. Gwapo,maputi,medyo singkit, matangos na ilong, may manipis at mapulang labi. Bagay na bagay sa kanya ang uniform namin, at sa tingin ko mas babagay sa kanya ang civilian. Medyo matured na din at mukha at hindi makita agad ang reaksyon sa mukha nya, tumatawa sya minsan kaya mas lalo syang gumagwapo.
Pero! galit pa din ako sa kanya, dahil hindi sya nagsorry nung binunggo ako dun sa beach!
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
RandomTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...