Hi guyss sana magustuhan nyo yung story na ginawa ko. hihihihi^_^ Enjoy reading!.
ps. Sorry kung may mga typo^_^
*After 123456789 years* joke lang. After 30 minutes*
Andito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila at nagdadalawang isip ako kung tatawagin sya kasi mukhang nandito si tita Cecile e (mommy nya).
Kaya ko to!!!
" Ahmmm. tao po?" magalang na tanong ko.
Maya maya pa ay may lumapit na batang lalaki at binuksan yung gate.
"Ano po yon?" tanong nya naman.
" Ah andyan ba si Zariah Xael?"
" Mama hinahanap si ate!" sigaw nung bata. Siguro around 10 or 11 years old sya kapatid siguro ni Xael.
Si tita Cecile ang lumabas.
" Ahhh. Hi po tita good afternoon. Andyan po ba si Xael?" tanong ko ulit.
"Pasok ka Clyde andun sya sa kusina may ginagawa. Halika pasok ka"pag yaya sakin ni tita.
Pumasok na ako ng bahay nila at pinaderetso ako sa sala nila at pinaupo.
" Zariah may bisita ka" tawag ni tita kay Xael.
Mukhang aalis si tita at yung kapatid ni Xael kasi bihis na bihis silang dalawa at amoy na amoy ang mga pabango.
Lumabas si Xael galing sa kusina at nung makita ko ang kabuuan nya ay hindi ko alam kung matatawa ako o macucutan sa kanya kase nakatali yung buhok nya magkabilang gilid na parang bata. Malaki yung shirt nya at hindi na makita yung shorts na suot nya.
"Anong kailangan mo?" rektang tanong nya nang hindi nagbabago amg reaksyon ng mukha at nakatingin pa rin sakin.
Sa halip na sagutin ko sya ay si tita ang tinanong ko.
"Ah tita pwede ko po bang isama si Xael sa batangas. Kasama naman po si Jax pati sina tita Jenny. Actually si tita po ang nag invite sa kanya ako lang ang pinapunta" paliwanag ko.
"Sakin okay lang. Ewan ko dito sa yayayain mo kung sasama" baling ni tita sa anak.
"Teka ilang araw ba at kailan kayo aalis?" tanong ulit ni tita.
"Hanggang sunday po ng hapon tita. Mamaya po ang alis 6pm" sagot ko
"It's okay for me kung kasama naman pala kayong dalawa ni Jax. How about you Zariah?" tanong nito sa anak.
Nakatingin pa din sya sakin at hindi sumasagot sa tanong ni tita.
"Whatever. Hintayin mo na lang sagot nya lagi yang ganyan e. Alis na kami pupunta kami ng mall e." ubos ang pasensyang sabi ni tita.
"Kung sumama ka man Zariah eto pocket money incase" nilagay na lang nya sa lamesa tsaka diretsong umalis ng bahay.
Sanay na ako kay tita na bigla na lang nagwawalk out parang si Xael lang.
AWKWARD
"Kumain ka muna" biglang sabi nya tsaka may nilagay sa mesa at kinuha ang perang iniwan ni tita
'Sana sumama sya!'
"Kakain ako kung sasama ka?" nakangisi kong tanong.
"Edi bahala kang magutom. Alas sais pa naman pala alis ang aga mong mang sundo" sabi nya nang nakatalikod sa akin.
Pero halos magpantig ang tenga ko nung marinig na sasama sya!!
" Edi sasama kana nga?? " kinunulit ko pa sya.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
AcakTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...