CHAPTER 42

252 3 0
                                    

Raxel Clyde's POV

Mabilis na lumipas ang panahon at sabay sabay kaming nagtapos ng Senior Highschool. Wala naman nagbago sa aming lahat, ganon pa din. Sama sama naming hinarap ang lahat ng pagsubok na dumaaan sa amin. Problema ng isa ay problema naming lahat, hindi namin iniwan ang isa't isa. Sa lahat ng problema na dumaan sa amin lahat nang yon ang lalong nagpatatag sa pagkakaibigan namin.

Wala namang perpektong friendship at masasabi kong isa yong pagkakaibigan namin. Halos lahat kami may tinatago, may mga pagkukulang, at mga ugaling kami kami lang rin ang nakakaintindi.

Si Xael? ganon pa din, minsan lang namin  makitaan ng reaksyon. Pero sa lahat ng nakilala ko ay sya pinaka dabest, kasi kahit gaano kahirap inintidihin ang bawat isa sa amin ay hindi pa din nya kami sinukuan. Sya ang takbuhan namin kapag may mga problema kami, sya yung kumakausap samin pag ramdam nyang meron kaming iniisip. Hindi sya kailanman nawala sa tabi namin nung mga panahong nagbreak down kami. Umabot kami, ako sa puntong yon pero hindi sya umalis, hindi sya sumuko samin. Alam ko naman na may sarili syang problema pero mas inuuna nya  pa yung iba.

Si Jax naman ganon pa din, pinaka maingay saming lahat. Ilang beses ko pa lang yan nakikitang umiyak e, hindi naman kasi sensitive yung taong yon pero hindi matatapos ang araw non nang hindi hinihanap si Xael. Sa kanya yon tumatakbo pag may mga tinatanong sya. Kasama ko pa din sya hanggang ngayon, siguro nga magkakahiwa hiwalay lang kami pag may mga sarili na kaming trabaho, bahay, at pamilya. Pero hangga't wala pa kami nung mga yon, kami kami pa din yung magkakasama.

Yung step brother ko na si Raddix, ganon din maingay din. Pero kung wala nga silang dalawa ni Jax e sobrang boring namin, sila yung mga clown namin. Sila din ni Xael ang naging daan para makilala at makasama ko na yung mama ko. Hindi naman ako galit kay Raddix, inggit siguro noon oo. Pero sobrang thankful na ako ngayon.

Si Blaze na kagaya ko din. Maliban sa talino, hahaha. Mas focus kasi sya sa pag aaral at pagbabasa ng mga kung ano ano. Mas lalo syang tumalino at sya yung Cum Laude ng Amethyst, sobrang proud kami sa kanya kaya nung grumaduate kami ay kami lang yung maiingay habang nag speech sya.

Si Luke naman wala pa ring reaksyon, akala ko nga wala yung pakealam samin pero isa din sya sa mga tumutulong samin nila Xael ayaw lang tanggapin ni Xael. Kita rin namin na parang may feelings sya kay Xael pero pinaparamdam nung babaeng yon na wala pa sa isip nya yung mga ganon.

At syempre si Ali, sa bunso sa aming lahat, ang pinaka inosente pero ubod ng arte. Habang tumatagal ay napapamahal na samin at lalo na sakin. Idol nun si Xael e, ewan ko ba don hahahahaha. Pero wala na sya dito sa pilipinas ngayon, lumipat sila sa US. Andon kasi yung mga tarabaho ng parents nya, at gusto nila na si Ali ang mag manage non. Hindi ko alam kung kailan sya babalik pero mag aantay pa din ako.

Silang lahat maliban samin nila Jax At Xael ay mga wala na. Nagsipuntahan sila sa mga bansa nila para don mag college.

Si Raddix ay sa Italy, sa London naman si Blaze, at sa Canada at Norway si Luke.

Kami naman nila Xael ay lilipat sa Manila kasi don kami mag cocollege sa PUP main. Mas magiging mahirap ang buhay namin kasi wala na yung apat, pero hindi pa din naman kami pinapabayaan ni Tita Jenny.

' Another chapter of our lives together, another pains, problems, and memories.'

    To be Continued........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAKE YOU MINE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon