***Nakarating na kaming dalawa sa Bar. Hindi kami nag usap buong byahe dahil wala naman akong sasabihin.
" Are you sure you don't want to join us?" tanong nya paglabas namin ng sasakyan nya.
" Sigurado" sagot ko din.
" Call me if something happens," paalala nya pa.
" Sa bar mo? talaga? Tss." pasiring na sabi ko kaya bahagya syang natawa.
'Ayun na naman yung tawa na yon'
Sabay kaming pumasok sa Bar kaya pinagtitinginan kami. Kilala dito si Jayden, malamang sya may ari.
Napansin ko naman na nakasunod sya sakin kaya humarap ako sa kanya. Nagkabungguan pa kami kasi kung saan saan sya tumitingin.
" Oh? ba't ka nakasunod? maghuhugas ka din?" tanong ko
Pinaningkitan naman nya ako ng mata. " Tss. Hatid kita don"
" Kaya kong mag isa, hanapin mo na sila!" medyo pasigaw na sabi ko kasi masyadong malakas ang music.
" I know where are they!" sagot nya.
" Alis na," pagtataboy ko pa sa kanya.
Wala na syang nagawa kasi tinutulak tulak ko na sya. Nung nakalayo na sya ay tsaka ako bumuntong hininga at dumiretso pasok sa kitchen.
" Hey! Zariah. Ang aga mo ah?" bungad sakin ni Miss Stacey.
"Ganon talaga." balewalang sagot ko.
Ako lang ang nag iisang ganon sa kanya. Karamihan kasi sa mga kasama ko ay takot sa kanya kaya ginagalang sya.
" Nasan si Doc?" tanong ko pa.
" Duh?! syempre nasa Hospital" maarteng sabi nya pa.
" Malay mo naman nasa Junk shop." sagot ko habang nilalagay yung Apron ko.
" You're so corny talaga" pasiring na sabi nya.
Umiling na lang ako at humarap na sa mga huhugasan ko. As usual, madami at tambak na naman.
" I heard panalo daw sila Jax sa Basketball" bigla naman ay nagsalita na naman si Miss Stacey sa gilid ko.
" Oo daw, panalo din sa Quiz Bee si Raven. sa Table Tennis naman si Isaiah" sagot ko pa.
" Oh, Nice to your boys ha. Mga talented"
" Yeah." pag sang ayon ko pa.
" Andyan sila ah, sa VIP ata" sabi ko habang naghuhugas ng plato syempre.
" Yeah. Pinareserve nga sakin Raddix."
" Ge umalis kana dito abala ka." pagtataboy ko rin sa kanya.
" Tch!" angil nya sakin tsaka umalis.
Sa totoo lang ayoko muna ng mga taong nakapaligid sakin. Lalo na yung mga relatives ni Jayden, wala lang ayoko lang.
Alam kong sinabihan ko sila Asher At Raxel na wag kaming magtago sa isa't isa pero heto ako ngayon, hindi ko pa kasi kayang sabihin sa kanila kasi kahit ako sa sarili ko ayaw tanggapin.
Hirap pa din akong tanggapin sa sarili ko kung paano nangyari lahat nang to. Oo madalas kaming magkasama, napapatawa naman nya ako kahit na napaka sungit nya sa iba. Sa ikli ng panahon na nakasama at nakilala ko sya hindi ko alam kung bakit ganon agad yng nangyari sakin.
' How did I fall in love with you'
Kingina parang kanta yon ah?
Napailing na lang ako habang naghuhugas ng plato. Masyado na nyang nasaakop ang utak ko.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
SonstigesTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...