Zariah Xael's POV
Dumiretso na lang ako ng uwi kasi wala sa ako sa mood. Hinayaan ko na sila don sa school, madali lang naman magpalusot sa kanila e.
Pagkauwe ko ay magkasabay na tumunog yung dalawa kong phone. Nung tiningnan ko ay sina Raxel at Isaiah.
' Tss. Manggugulo na naman'
Alam kong alam na nila yung nangyari kaya nagsisitawag na. Tinanggal ko na lang yuing sim card ko at nag music.
Kingina lang kasi, sana pala hindi na lang ako lumabas ng gym para hindi ko nakita yon. Bigla tuloy kumulo ang dugo ko kay Kim, ang kapal ng mukha ng kingina.
Maghapon lang ako naglinis ng bahay at nanood ng TV.
*****
Hapon na nung umuwi sila Raxel at Asher. Nagulat pa yung dalawa nung makita ako.
" OH?! anong ginagawa mo dito?" nagugulat na tanong ni Raxel.
" Bahay ko din to diba?" sagot ko.
"Tsh! akala kasi namin wala ka dito!" sigaw sakin ni Asher.
" Naninigaw ka?" taas kilay na tanong ko.
" Hindi naman, Akala lang kasi namin diba?" pag eexplain pa nya.
" Tss. San naman ako pupunta?" tanong ko pa.
" E-e diba yung ano, yung kay Luke" alinlanagang sabi nya.
"Tss. Pakealam ko naman don" sabay talikod ko.
" Sigurado ka wala?" pangungulit pa nya.
Humarap ako at tiningnan sya." Sigurado"
Hindi na nagsalita yung dalawa pero alam ko nag uusap sila.
" Nga pala Xael, Niyayaya kami ni Raddix mamaya na magcelebrate. Sama ka?" tanong nya matapos aong lapitan.
" Hindi na. Papasok ako don" tanggi ko.
Ang totoo ay ayokong makita o makausap si Jayden. Hindi ko alam kung bakit, basta ayoko.
Nag-ring naman yung phone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag...
' Kakasabi ko lang na ayaw ko makausap'
***Incoming Call Jayden Luke***
" Zariah..." bungad nya sakin.
Hindi ko alam kung sasagot ba ako o ano. Pero pag hindi naman ako sumagot, baka isipin nya na apektado ako.
" Oh? Bakit?" sagot ko.
Napatingin sakin yung dalawa nang nagtataka..
" Listen to me, will you?" tanong nya sakin.
" Bakit? para saan?" kunwaring tanong ko.
" Hindi na kailangan" dugtong ko pa.
"Please? I'm going to your house after I talk to Kim. Please, just listen to me" nagmamakaawang sambit nya.
" Bahala ka." yun lang ang sinabi ko tsaka binaba ang tawag.
Napansin ko naman yung dalawa na nakatingin sila ng nanunukso kaya tinaasan ko sila ng kilay.
Ngumisi lang ng nakakaloko yung dalawa tsaka pumasok ng kwarto.
***
Isang oras ang nakalipas matapos mag ayos nung dalawa kasi nga daw mag cecelebrate sila. Andun din naman ako mamaya sa bar, para nga lang mag trabaho.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
AcakTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...