Hi guyss sana magustuhan nyo yung story na ginawa ko. hihihihi^_^ Enjoy reading!.
ps. Sorry kung may mga typo^_^
***
Months passed since the day we graduated in grade 10. Sa dami ng nangyari sa buhay namin sa nagdaang dalawang buwan ay nandito at masaya pa din kami, nagkakatuwaan dahil magkakasama kaming tatlo.
Andyan yung araw na lumipat kami sa apartment ni ate aila. All of us are busy but we enjoyed that moment. Gaya nga ng sinabi ni xael ay sya ang nasusunod sa bahay namin at kami ay nagbibigay lang ng suggestions pero tinatanggap naman nya yon. Halos kumpleto na ang gamit namin sa bahay. One time nga nung bumibili kami ng mga stocks ng pagkain sobrang saya namin noon kasi non lang kami namili ng mga pagkain na para sa amin talaga gaya ng can goods, meats, snacks, yung mga ready to cook na pagkain. Lahat ng pinangbili namin ng mga stocks ng pagkain at pang decorate sa bahay ay galing lahat sa ipon naming tatlo kaya malaya kaming bilihin ang mga gusto namin. In the past two months ay andito lang kami sa apartment namin unti unting bumubuo ng mga masasayang memories ng magkakasama.
At ngayon ay papunta kami sa amethyst college kasi doon kami papasok sa grade 11. Malapit lang naman dito yung school na yon kaya hindi kami mahihirapan.
"Raxel nakuha mo na ba yung PSA at card mo?" tanong ni xael habang nagsusuklay ng buhok.
"Hindi pa e" sagot habang naka upo dito sa sofa namin. Prenteng prente ang upo ko dahilan para lingunin ako ni xael.
"Tamo. Alam mong yung ang kailangan sa school nayon bat hindi mo pa kinukuha?" taas kilay nyang tanong sakin tsaka nagsuklay sa harap ng salamin. " kakaladkarin pa kita para makuha yon raxel clyde?" yun na ang pagbabanta nya kaya dali dali akong pumunta sa kwarto para kunin sa cabinet ko yung PSA at card ko.
Hindi naman ganon kalaki itong aparment namin. Pagpasok mo ng pinto sa kaliwa mo ay andon ang TV at tsaka yung mga toga pictures namin sa tapat naman non ay isang set ng sofa at maliit na table sa harap non. Pag lakad naman ng kaunti ay makikita mo na sa bandang kaliwa mo ang pinto ng kwarto namin, may tatlong beds yon tig iisa kami malamang. Pagpasok mo sa kwarto ay sa bandang kaliwa ang cabinet namin nahahati yon sa tatlo. Sa tabi non ay isang vanity table nilagay lang ni xael yon para daw maganda, hindi naman namin nagagamit yon dahil pag nag babasa kami ay minsan sa dining table o kaya sa sofa. Paglabas naman ng kwarto ay sa kaliwa non ang ref namin at kasunod ang water dispenser katapat non ang dining table namin at sa dulo ang lutuan at ang lababo namin magkalapit lang yon at nasa bandang kaliwa ang lababo kung saan may maliit kaming pantry. Si jax ang gumawa non, malaking tulong din yon samin dahik naroon lahat ng mga pagkain namin.
"Ano tara na?" yaya na samin ni jax. Magkakasabay kaming pumunta sa amethyst para magpaenroll.
Pagkarating namin doon ay sobrang dami ng estudyante at kalahati non ay galing din sa dati naming school. Sa HUMSS ako papasok kasi andon ang pagiging abogado si xael at jax naman ay sa STEM. Nursing ang gusto ni xael at engineering naman kay jax at ako ang mapapahiwalay sa kanila.
"Dito na lang tayo magkita kita raxel" bigla ay sabi ni xael.
"Sige sige" yun lang ang sinabi ko tsaka sila umalis para pumunta sa room nila.
Pumasok na rin ako sa room ko kasi doon magpapa enroll. Pagpasok ko ay iba't ibang mukha ang nakita ko yung iba naman ay pamilyar sakin dahil nakikita ko na sila sa dati kong school.
"Uuyyy clyde! classmate na kita!" napalingon ako sa dulo nung sinabi yon ni levi. Kaklase sya last year ni xael.
Nung lumapit sya ay doon lang ako tumugon.
"Eyy levi" bati ko sa kanya pabalik.
"Nasaan si zariah? hindi mo kasama?" tanong nya ulit.
"Yes. But she's with jax, sa stem nag enroll" sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
AcakTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...