Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Pagmulat ko ay wala na sina asher at raxel sa higaan nila kaya lumabas ako habang nag iinat ng katawan. Wala na ring tao don at nakita ko ang sticky notes na malapit sa nakahandang breakfast.zaxa/xael,
Good morning! kumain kana dyan ha? nauna na kaming dalawa kasi may mga lakad kami kasama sila isaiah at alicia pero magkahiwalay. Ah basta kuhanin mo na sweldo mo sa shop, wala tayong pasok kasi pay day.
Enjoy your day! ^_^
- clyde, jax
Tss. Iwanan ba naman ako?
Hindi ko na sila tinext pa at ginawa ko na lang ang routine ko. 15 days agad ang nakalipas simula nung first day ng school at first day sa trabaho. Nakapag adjust naman kami agad dahil wala pa masyadong events sa school at puro outputs lang at written ang ginagawa namin.
Si raxel ay madalas na nyang nakakasama si leith dahil classmates sila at lagi namin syang kasama tuwing breaktime.
Si Asher naman ay tuwang tuwa dahil nga sa magkavibes sila ni Isaiah, puro kalokohan ang alam kaya walang araw na hindi sila tumatawa. Masaya naman silang kasama.
At si jayden? As usual, laging nakasimangot at hindi nagsasalita. Hindi ko na lang din sya pinapansin kasi wala naman syang dulot sa buhay ko chos!
9am na nung natapos kong gawin lahat ng gawaing bahay. Usually kasi pag ganitong naiiwan ako dahil kahit weekends ay pumapasok sila sa shop, naglilinis ako ng bahay, nilalabahan ko yung mga damit namin, gumagawa ng homeworks at pag kaya kong sagutan yung homework ni raxel ay ginagawa ko na din kasi pagod sila pag uwe at hindi na nila magagawa yon.
Lumabas nako ng bahay and I'm wearing a pair of black pants, white sando at pinatungan ko ng checkered na hanggang siko. Yung sapatos ko naman ay white Converse na high cut. Mas komportable ako sa ganong damit.
Pagpasok ko ng resto shop ay madami nang costumer. Sakto namang lumabas sya mula sa kitchen at nginitian ako nung makita ako.
"Good morning miss Stacey, andyan si sir justin?" tanong ko agad.
"Ahh yes, he's in office. Buti inabutan mo kasi paalis na din yon" sabay turo nya pa sa office ni sir. Tumango ako at dumiretso doon at kumatok.
"Sir," pag tawag ko nang pansin kay sir
"Ohhh zariah, come in please" nakangiti syang inaya ako papasok.
Sumunod ako sa kanya at umupo sa harapan nya.
"Sayo ko na lang ibibigay yung salary mo then ikaw na lang magbigay kay kay Luke, is that okay?" dire diretsong sabi ni sir sakin tsaka inabot ang kauna unahan kong sweldo na ibabayad ko kay jayden!
"Sige po sir thank you somuch" nakangiti ko yong tinanggap.
"Don't worry dahil yung salary mo sa bar malapit na" parang mas naeexcite pa sya sakin e.
Sabay kaming napalingon sa pinto nung biglang bumukas yon. Haayy ang pinaglihi sa sama ng loob lagi na lang sumisingit!
"Spill it kuya, I'm in a hurry" biglang sabi tsaka dirediretsong umupo sa kaharap ko ng upuan.
Nginisian lang sya nung kapatid tsaka tumingin sakin.

BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
De TodoTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...