CHAPTER 9

28 2 0
                                    

Hi guyss sana magustuhan nyo yung story na ginawa ko. hihihihi^_^ Enjoy reading!.

ps. Sorry kung may mga typo^_^

Raxel Clyde's POV

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Parang pinipiga ang bawat sulok ng utak ko. Shet!!. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nasa kwarto na ko at katabi ko si Jax na ang sarap sarap pa din ng tulog. Hinanap ko agad si Xael kaya bumangon na ako pero nagulat ako nung makita ko sya sa sofa na mahimbing na natutulog.

'damn! ang sakit talaga!"

Inayos ko ang upo ko para matingnan ng maayos si Xael. And yeah habang tinitingnan ko sya ay pilit kong inaalala ang nangyari kagabi nung umiinom kami pero shet lang! wala akong masyadong naalala!..

Ang tanging naalala ko lang ay yung sinabi nyang alam nya na gusto ko sya ,yun lang! pero iba yung pakiramdam ko e, feeling ko may sinabi pa sya non pero hindi ko na talaga matandaan!.

Habang abala ako sa pagtitig sa kanya ay napapangiti ako. Mukha akong baliw dito na nakangiti. Ang himbing ng kanyang pagkakatulog sobrang payapa ng mukha nya. Ang makinis at malambot nyang muka, ang makapal na kilay at pilik mata, ang matangos nyang ilong, yung medyo chubby nyang cheeks, and especially ang manipis ang mapula nyang labi. Sa lahat ng tiningnan ko sa muka nya ay doon lang ako nagtagal sa labi nya.

' shit! damn you Clyde!'

"Kuhanan mo na lang kaya ako ng litrato baka matunaw na ako sa kakatitig mo" bigla ay nagsalita sya. Nagulat at nahiya naman ako nung minulat nya ang mata nya at nagtama ang paningin namin. Agad ko namang iniwas yon.

" Ahmm. Good morning" bati ko na lang.

"morning" bati rin nya tsaka tumayo at uminat kasabay ng kanyang paghikab.

"Ano oras ka pala natulog Xael?" tanong ko naman sa kanya.

Kaswal lang ang tingin nya sakin at sanay ako sa ganoong tingin nya tsaka sya sumagot.

"3:30 na siguro yon. Inasikaso ko pa kayo e" rektang sagot naman nya.

Nagtaka naman ako kaya't tiningnan ko sya ng naka kunot ang noo.

"Nagtatawag kasi kayo ni Asher ng uwak kanina mga bandang 2:30 yon. Alangan naman pabayaan ko kayo" paliwanag nya.

Aahhh. Kaya pala

" Ano oras ba natapos yung inuman natin?" tanong ko pa ulit

"2am na" sya

" Talaga? kaya pala wala akong maalala" sabay kamot ko sa ulo ko.

Nakatayo pa din sya sa harapan ko tsaka hinimas ang bridge ng kanyang ilong at parang problemadong problemado.

" Bakit? ano bang nangyari kagabi?" tanong ko pa ulit. Wala kasi akong kaalam alam sa nangyari e tutal sya naman ang mukang walang tama samin sya na lang tinanong ko.

" You confessed your feelings to her Clyde" halos mapatalon ako nung si Jax ang sumagot. Antok na antok pa sya tsaka tumagilid sa gawi ko

" Aahh yon naalala ko yon" sabi ko.

Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng kahit anong awkwardness nung sinabi ko yon sa harap ni Xael. Feeling ko kasi okay lang sa kanya kasi kaibigan lang naman ang turing nya saken. May part na nasasaktan ako pero pinipilit ko yung sarili ko na tama lang yung maramdaman kong sakit kasi kulang pa yon sa ginawa ko sa kanya dati.

" May nasabi pa ba akong iba?" tanong ko pa ulit

"Wala. Bigla kana lang bumagsak sa lamesa sa kalasingan" natatawa pang sabi ni Xael sakin.

MAKE YOU MINE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon