Hi guyss sana magustuhan nyo yung story na ginawa ko. hihihihi^_^ Enjoy reading!.
ps. Sorry kung may mga typo^_^
Zariah Xael's POV
Sabay kami ngayon ni asher na pumunta sa room namin. Dahil nga engineering ang gusto nya at nursing naman akin, parehas kami ng strand na kinuha.
Pagpasok pa lang namin ng room ay pinagtitinginan na kami, yung iba ay kinakausap kami. Nakahanap agad kami ni asher ng upuan at iyon ay nasa pinakadulo. Katabi ko sya sa kanan at may dalawa pang bakante sa tabi ko hinihiling na sana wala nang umupo HAHAHAHA.
Nagsipag tayuan naman kami nung pumasok yung teacher. Hindi ko napansin kung sino yung kasunod dahil inaayos ko yung gamit ko na ginulo ni asher. Kinakalabit naman ako nung isang to, napipikon ko syang tiningnan..
"Ano ba yon?!" pagalit pero mahinang boses na tanong ko.
"Ti-tingnan mo sa unahannn" putol putol pa nyang sabi tsaka pairap na lumingon sa unahan. Ganon na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa unahan na tinutukoy ni asher pero hindi nagbago yung ekspresyon ng mukha ko.
You gotta be kidding me?!!!
Nakatingin lang ako sa unahan nung may sumulpot pang isa at pati sya ay lumingon doon. Hingal na hingal yung isa at humawak pa sa balikat nya. So magkakilala sila???
Nagtilian ang mga kaklase naming babae pati na din yung mga bakla nang makita yung dalawang bago sa unahan.
"Class quiet!" saway naman ni miss kaya natahimik din sila.
"Introduce your self" uto ni miss sa dalawa.
"Hi! I'm Isaiah Raddix Ferrer, you can call me babe" tsaka sya nagwink sa mga babae," I'm from Italy but I can speak in tagalog hehehehe!" masigla syang nag introduce kaya tilian pa din ng tilian yung mga babae. Umupo na kami ni asher at nakita ko yung reaksyon nya nung tumingin sya sakin.
tss. as if naman maaapektuhan ako, beltukan ko pa yan!.
Kung yung Isaiah Raddix ay masigla, kabaliktaran nun ang isang ito. Daig pa ang pinaglihi sa sama ng loob dahil hindi man lang ngumingiti.
"Jayden Luke Damon from canada" walang kagatol gatol na sabi nya pero nagtilian pa din ang mg babae.
tss.
"Can I call you baby?" maarteng tanong naman nung si alfredo na bading.
"Tss. No" matigas na sagot naman nya.
" Okay go and find your sits na" pagtataboy na ni miss lani sa kanya. Lani ang surname nya ang angas.
Nauna sa paglalakad yung pinaglihi sa sama ng loob pero napatigil sya nung harangin ni megan. The flirty one
" Heyy, you can sit beside me" malanding sabi nito.
" No thanks" walang kwenta nyang sagot. Hindi ko na sila tiningnan at tinuloy ang pag aayos ng gamit. Halos mapatalon ako nung may simigaw sa bandang kaliwa ko.
" Hii!" energetic na bati ni Isaiah nang nakatingin sakin tsaka umupo sa dulong upuan.
Magsasalita pa sana ulit sya nung biglang humarang samin yung lalaking pinaglihi sa sama ng loob at tsaka naupo sa tabi ko.
Now, this is great!!
" Hi! Ano name mo?" tanong sakin ni isaiah habang nakatingin sakin at kay asher.
BINABASA MO ANG
MAKE YOU MINE AGAIN
AcakTungkol ito sa buhay ng magkakaibigan na naging sandalan ang isa't isa sa kabila ng pagsubok na dumarating sa kanila. Hindi nila iiwan at isa't isa dahil nangako sila. Gusto nilang maging successful ng magkakasama, haharapin ang problema ng magkakas...