5pm na ngayon at sa wakas ay dumating na rin ang oras na pinakahihintay ko, nakakaumay ang sandamakmak na lecture sa buong oras ng klase and I'm so glad na makakauwi na rin ako.
Mag-isa ako ngayong naglalakad palabas ng school and as always maririnig ko ang bulong-bulongan ng mga studyante sa tuwing nakikita ako.
"Si Kalie Mujica."
"Maganda nga, masama naman ang ugali."
"Maarte."
Sa halip na magalit ako sa sinasabi nila ay binibigyan ko sila ng ngiti para mas lalo silang mainis. Oo hobby ko ang mang-inis ng tao
Nang makarating ako sa gate ng school hindi ko inaasahan na sasalubongin ako ni Enzo ang kaklase kong werdong nerd. Kumukunot talaga ang noo ko sa tuwing nakikita ko siya.
Laging magulo ang buhok niya na parang laging bagong gising, may bangs rin siya kaya halos kalahati nalang ng mukha niya ang nakikita, malaki rin ang eyeglass niya at bukod doon lagi siyang mag isang nagbabasa ng libro. See? Ang nerd!
"Ahmm Kalie" Panimula niya habang nakayuko. Napabuntong hininga ako at nag cross-arms. Ano nanaman kayang sasabihin nito.
"May sasabihin ka ba? make it fast." Nakataas kilay kong sabi. Bakit ko pa ba sya binibigyan ng oras para makausap ako.
"Kalie!" Rinig kong tawag mula sa likuran ko dahilan nang mapalingon ako rito, sila Nicole at Shane pala, ang maiingay kong kaibigan.
"Mag kasama pala kayo ni Enzo." Pangangasar ni Nicole dahilan nang mapasingkit ang mga mata ko na animoy binabantaan na baka may kung ano pang sabihin. Napaiwas naman ng tingin si Nicole at tumawa.
"Bakit Enzo? Mag co-confess ka ba kay Kalie?" Pangaasar naman rin ni Shane. Umiling lang si Enzo habang nananatiling nakayuko.
"Sorry ah nakaka sturbo ata kami. Sige aalis na kami ni Shane." Muling pangangasar ni Nicole atsaka niya hinawakan ang kamay ni Shane. Hindi talaga matigil ang mga 'to.
"H-hind ayos lang, aalis na ako" Nakayuko at nahihiyang sabi naman ni Enzo atsaka na tumakbo paalis.
"Psh werdo." Sabi ko sabay irap.
"Ang cute ni Enzo." Natatawang sabi ni Shane dahilan nang mapatingin ako sa kanya na para bang gustong sabihin na are you serious?
"Mukha syang nakakaawang tuta." Sabi ko naman atsaka na nag simulang mag-lakad.
"Binigay na ba sayo ni Enzo 'yung ticket?" Tanong sa akin ni Nicole nang sundan nila ako sa paglalakad.
"Para saan?" Pagtatakang tanong ko.
"Narinig ko lang sa mga kaibigan nya na ibibigay raw sayo ni Enzo ang isang Ticket sa Theater, dalawa ang meron sya at gusto nyang ibigay ang isa sayo." Paliwanag ni Nicole dahilan nang matawa ako.
"Tatanggapin ko ang ticket kong gugustohin kong makasama siyang manood." Sarcastic na sabi ko. Pilitan namang ngumiti ang dalawa.
"Kalie, alam mo sa tingin ko may gusto sayo si Enzo." Saad ni Shane dahilan nang tignan ko sya ng masama. "Alright! Let's go to fast food! Kain muna tayo." Energetic na aya nya atsaka sya umakbay sa aming dalawa ni Nicole.
"Tanggalin mo 'yang kamay mo." Mataray kong sabi kay Shane atsaka na niya tinanggal ang kamay nyang nakaakbay sa akin.
"S-sorry." Sabi naman nito atsaka sya tumakbo sa harapan at nag-kukunwaring super hero dahil may pataas-taas pa ng isang kamay at ang isa'y nakahawak sa baywang. "Let's goooooo!" Aya nito. Napaka isip bata talaga, hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipag kaibigan sa kanila.
BINABASA MO ANG
The key
Viễn tưởngKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...