Nasa highway ako ngayon ng bundok at nakita ko sa unahan na may nakaupo sa tabi ng malaking bato. Tumago ako sa gilid ng mataas na halaman nang mapagtanto kong may isa nanaman akong makakasalubong na halimaw. Isang kulay brown na halimaw. Sakto lang ang laki nya tulad sa mga ordenaryong tao at may suot na kulay peach na malaking damit.
Kailangan ko nang makabalik kila Allen. Mas ok na sila ang makasama ko dahil kahit papaano ay mas panatag akong kasama sila kesa mag stay sa lugar na ito na puno ng mga halimaw.
"Tulong!" Rinig kong sigaw na nasa tingin ko ay nanggagaling sa halimaw. Nilingon ko ito at napansin ko ang wasak na bangin sa tabi niya.
"Landslide" Tanging nasabi ko. Naipit sya ng bato na gumulong mula sa bangin. Hindi ba't isa siyang halimaw? Ang pagkakaalam ko sa kanila ay malalakas. Hindi nya ba kayang tanggalin ang bato sa kanya? Tss
"Kaaway ko ang mga halimaw dito kaya dapat lang 'yan sa kanya." Ngisi ko.
"T-tulongan mo ako." Pakiusap niya nang lapitan ko siya.
"Wala akong balak na tulongan ka." Saad ko habang naka cross-arms. "Nakaharang ka sa dinadaanan ko." Muling saad ko atsaka ko na binaling ang tingin sa daan. Mag sisimula na sana akong mag lakad kaso hinawakan nya ang paa ko dahilan nang mahinto ako.
"P-pakiusap." Nag mamakaawa nyang sabi. Mukha naman syang ordinaryo at mahinang halimaw kesa sa ibang mga halimaw na nakita ko.
Napantingin ako sa mga gulay at prutas na kumalat sa tabi nya. "K-Kung hindi mo ako kayang tulongan, maaari bang pakidala na lamang ang mga gulay at prutas na mga iyan sa aking pamilya?" Nag makakaawa nyang sabi.
Pamilya?
"Paano kung nakarating nga ako sa kanila? Baka hindi lang mga prutas at gulay ang kainin nila, kundi pati ako." Saad ko at ngumisi.
"N-Nag kakamali ka, iba kaming mga monsvill sa mga halimaw na kayang manakit." Seryosong sabi nito, napaisip naman ako.
Monsvill? Monster and village or villagers? Hindi kaya may lahing monster parin sila? Kung ganun sila ang mga nakatira sa nakita kong village.
"Sa tingin mo ba ay mapapaniwala mo ako? Iisa lang ang lugar nyong mga halimaw kaya seguradong iisa lang rin ang mga ugaling meron kayo. Mga ugaling mamamatay halimaw at...tao na rin." Saad ko atsaka ko papwersang nilayo ang paa kong hawak niya.
"Mukhang hindi na nga kita mapapaniwala. N-Ngunit, nangungusap ako sayo na madala mo sana ang mga pagkain na iyan sa aking pamilya." Naiiyak nitong sabi at muli naman akong ngumisi. Sa palagay seguro ng halimaw na ito ay madadala ako sa mga trick nya.
"Paano ko malalaman kung saan kayo nakatira?" Tanong ko nang ilagay ko ang lahat ng prutas at gulay sa basket na nasa tabi.
"Matatagpuan mo ang pinakamaliit na tahanan sa tabi ng malaking puno ng mangga, naroon ang tahanan namin." Sagot nito.
"Ok." Maikling sagot ko atsaka ko binitbit ang basket at nag simula nang mag lakad.
"M-maraming Salamat." Pasalamat nya pero hindi ko na siya pinansin pa at patuloy lang ako sa paglalakad. "Maaari mo rin bang sabihin sa asawa't mga anak ko na...patawad kong hindi na ako makakabalik pa." Malungkot nyang sabi dahilan nang mahinto ako sa paglalakad.
Napasigaw ako dahil sa inis habang sinusubukan kong itulak ang malaking bato para maalis sa monsvill. Nakalimutan kong tao nga lang pala ako at wala akong sapat na lakas para alisin itong batong nakaipit sa kanya.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...