Tatlong araw na ang nakalipas nang mag simulang mawala ako sa mundo ng illusion.
Hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa totoong mundo ko at sa mga kasama ko dito sa bahay dahil feeling ko ay matagal na nga akong nawala dito.Nakadungaw ako ngayon sa bintana habang nilalasap ang sariwang hangin, pinagmamasdan ang mga dahong sumasayaw sa ihip ng hangin, pinapakinggan ang huni ng mga ibon at pinagmamasdan ang mga sasakyan at mga taong tumatawid sa kalsada.
Nandito na nga ako sa totoo kong mundo.
"Hoy ate! Kakain na daw." Aya sa akin ni Kc nang puntahan nya ako sa loob ng kwarto ko.
"May ginagawa pa ako." Wala sa mood na sabi ko.
"Eh naka tunganga ka lang naman dyan sa bintana." Nakakunot noo nyang sabi pero nananatili parin akong nakadungaw sa bintana. "Ate! Sabing kakain na nga eh!" Pangungulit pa nitong sabi dahilan nang mainis ako.
"Pwede ba Shita, ang ingay mo!" Asar na sabi ko at nahiga sa kama.
"Sinong Shita naman kaya 'yon?" Pagtatakang sabi ni Kc. "Weird" dagdag pa nitong sabi atsaka na ako inalisan.
Ngayon ko lang napagtanto na natawag ko nga pala siyang Shita kanina, bukod sa namimiss ko si Shita ay dahil kasing ugali nya rin si Kc. May pagka boyish at palaaway rin kasi talaga itong kapatid ko.
Pumunta na ako sa kusina para kumain. Ako nalang pala ang inaantay nila. "Kumain na tayo." Aya ni Mama atsaka na ako naupo.
"Bakit Kalie? Ayaw mo ba ng pagkain natin ngayon?" Pagtatakang tanong ni mama nang mapansin nya na wala ako sa mood. "Ito ang mga nakahanda sa hapag kainan kaya huwag ng mamili. Sige na, kumain kana." Sermon ni mama.
Hindi naman talaga ako nag-iinarte sa pagkain eh, sadyang naninibago lang ako dahil hindi ko kasama ngayon sa hapag kainan ang mga tinuring kong kaibigan na sila Allen.
"Ano ka ba naman KC! Hindi ka nag-iingat." Inis na sabi ni Mama kay Kc nang masagi nya ang tubig sa lamesa dahilan nang mabasa ako.
"Hala. Ah eh, h-hindi ko sinasadya." Kinakabahan na sabi ni Kc pero hindi ko sya pinansin at agad na akong kumuha ng towel at ngayon ay pinupunasan ang natapong tubig sa lamesa.
"Bakit?" Pagtatakang tanong ko sa kanila nang mapansin ko na nakatingin silang lahat sa akin.
"W-wala naman." sagot ni papa atsaka na pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos na akong kumain ay agad akong pumunta sa lababo at ngayong hinuhugasan ang ginamit kong pinggan.
"May sakit ba sya?"
"Si Kalie ba talaga itong kasama natin?"
"Hindi manlang nya ako pinagalitan kanina nang mabuhusan ko sya ng tubig."
"Hindi ako nakakarinig na kahit na anong reklamo mula sa kanya simula nang umuwi sya dito kahapon."
"Pwera nalang sa maingay daw ako kanina."
"At tignan nyo, sya ang humuhugas ng pinggan na ginamit nya."
Kung mag bulongan sila akala naman nila ay hindi ko sila naririnig.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...