Pumunta ako sa Garden para tignan ang gate. "Mabubuksan rin kita." Sabi ko sa gate na nasa harapan ko atsaka ako napatingala at bago ko lang napansin na gumagabi na pala.Parang wala pa ilang oras nang sumikat ang araw tapos ngayon ay mag gagabi na. Napaka bilis ng oras dito.
Maya-maya lang ay narinig ko ang boses ng mga unggoy kaya naman tinignan ko kung saan nanggagaling ang mga boses nila atsaka ko sila nakita na nasa ilalim ng malaking puno na tuwang-tuwang pinagmamasdan ang mga alitaptap.
Hinuli ng isang unggoy ang isang alitaptap atsaka sya nakangiting lumapit sa akin at binuksan ang mga kamay nito dahilan para lumipad ang alitaptap sa harapan ko. Natuwa naman ako sa ginawa nya. I mean...natuwa ako sa firefly! Hindi sa mga unggoy na 'to!
Bigla akong nauhaw kaya naman pumunta ako sa kitchen. Bahala na wala naman akong pakialam kung may mga lason ang mga pagkain o inumin nila dito mas maganda na nga 'yun.
"Nauuhaw ako" Sabi ko sa isang Panda na mukhang Raccoon na may kung anong ginagawa.
"Tamang tama, ginawan kita ng inumin." Nakangiti nitong sabi atsaka nya ako inabutan ng isang glass of juice. Hindi ko alam kong juice ba 'to o kung ano.
Masama ang tingin ko sa kanya ng kunin ko ang inaabot nya sa akin pero mukha namang masarap kaya ininom ko.
Ang lasa...Napaka sarap! Ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na inumin! Kaya naman naubos ko ang lahat ng 'to.
"Hindi ko alam kung anong tawag dito." Mataray kong sabi nang ibalik ko na ang baso sa kanya. Ano ba ang tawag sa inumin na 'yun? Na-curious ako.
"Ang tawag dito ay ang ginawang inumin ni Daccon!" Energetic nitong sabi with taas kamay.
Daccon? Kung ganun....Daccon pala ang pangalan nya? Parang pinagsamang Panda at Raccoon? The heck.
"Hindi ko tinatanong." Mataray kong sabi sa kanya atsaka sya inalisan.
Mag lilibot-libot na muna ako at baka sakaling may ma-discover sa lugar na 'to. Pumunta ako sa park at as expected makikita ko ang nag lalarong bata na si Shita at tama nga, nag lalaro sya sa buhanginan at gumagawa ng sand castle.
"Bakit ka nandito?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin nang makalapit ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kong bata ba talaga ito o binata dahil may part na matured sya at may part na childish talaga.
"Matanong nga kita, ilang taon kana ba?" Tanong ko sa kanya dahilan nang kinahinto nya sa paglalaro.
"Wala akong ibang alam sa sarili ko, maniban sa pangalan ko." Seryoso nitong sabi. Kung ganun pati mga ala-ala nya ay inalis ng sumumpa sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka mangyari rin ito sa akin pag nagkataong tuloyan akong makulong dito. 'Wag naman sana
"Bakit mag-isa lang nag lalaro ang bata dito?" Pangangasar kong tanong atsaka ako naupo sa tabi nya.
"Sabing 'wag mo akong tinatawag na bata!" Inis nitong sabi.
"Hindi ba ang mga bata ay mahilig mag laro?" Pangaasar ko atsaka ko tinuro ang sand castle na gawa nya.
Bigla naman sya namula at napatayo. "Nasa hardin pa ang mga monks na kalaro ko kaya mag-isa ako dito." Paliwanag nya. Aminado ring bata talaga.
"Monks?" Pagtataka kong sabi. "Ayon ba ang tatlong mga unggoy?" Tanong ko. Tumango naman sya bilang sang-ayon sa sinabi ko. Mga Monks? Short cut ata 'yun ng monkeys.
"Ang boring." Wala sa mood kong sabi nang tumayo ako. Nag simula nanaman akong mag lakad papunta sa werdong pintuan.
Lahat ba sila ay sinumpa? 'Yung tinutukoy na anak ni Zierang Bruha kapag ba pinakasalan ko 'yun mawawala na ang sumpa sa anak nya?
BINABASA MO ANG
The key
FantasíaKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...