Chapter 36

32 2 0
                                    




Kailangan ko si Ziera! Gusto ko syang makita ulit! Dahil marami akong itatanong sa kanya ngayon!

Madaling araw na at hindi parin ako nakakatulog! Napaka-rami naman kasing gumugulo sa isip ko!

Bumaba nalang muna ako sa kusina para uminom ng gatas.

"Gising ka pa pala?" Tanong ko kay Kc nang makita ko syang kumakain sa kusina.

"Nagutom ako eh." Wala sa mood nyang sabi. "Eh Ikaw? Bakit gising ka pa?" Tanong naman nito.

"Dahil hindi pa ako tulog." Pangaasar na sabi ko na syang kinaasar nya.

"Bahala ka nga dyan." Nakakunot noo nyang sabi atsaka na sana aalis nang bigla nalang itong sumigaw ng malakas dahilan nang maibuga ko ang iniinom kong gatas at tarantang lumapit sa kanya.

"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko.

"A-ayon oh!" Natatakot na sabi nito habang tinuturo ang isang uwak sa bintana ng kusina na pilit pumapasok sa loob ng bahay dahilan ng kinagulat ko.

Paano nag karoon ng uwak dito?!

"Umakyat na tayo sa taas." Sabi ko atsaka na nga kami umakyat sa taas.

"Ate." Tawag sa akin ni Kc nang papasok na sana ako sa kwarto ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwede bang samahan mo ako matulog sa kwarto ko?" Nakayukong sabi nya. Samantalang, napangiti naman ako. Pareho rin silang matatakotin ni Shita.









"Bakit ka ba natatakot? Ibon lang 'yon" Tanong ko habang nakatabi sa kanya sa higaan nya.

"Hindi mo ba nakita? Namumula ang mga mata ng uwak!" Natatakot na sabi nito. "Baka bigla nalang sya makapasok dito sa loob ng bahay."

"Ano ka ba, imposibleng makapasok ang ibon na 'yon dito sa loob ng bahay" natatawang sabi ko atsaka nalang umiba ang expression ng mukha ko nang may bigla akong maalala.

Bigla kong naalala si Shita na nag papatabi matulog sa akin dahil sa natatakot sya na baka bigla kaming gambalain ng halimaw na ibon. Ngunit, pinapaliwanag ko sa kanya na may harang ang bahay ni Takko na ni-kahit sino 'mang halimaw ay hindi makakapasok.

"Ate?" Tawag sa akin ni Kc dahilan nang mataohan ako. "Anong iniisip mo?" Tanong nito dahilan nang mapatingin ako sa kanya ngunit agad ko namang binaling ang tingin ko sa kisame.

"Bigla ko lang naalala ang kaibigan ko." Sagot ko na syang pinagtaka nya.

"Sinong kaibigan?" Pagtatakang tanong nito atsaka naman ako napangiti.

"Si Shita." Nakangiting sabi ko.

"Hindi ba nabanggit mo ang pangalan na 'yan noon? Habang nakatingin lang sa akin? Ang weird mo nga doon." Natatawa nyang sabi. "Sino ba si Shita? At bakit kakaiba ang pangalan nya?" Pagtatakang tanong nito.

"It's just my imaginary friend." Sagot ko na syang pinag-taka nya.

"Huh? Hindi ba may mga totoo ka namang kaibigan? Bakit may imaginary friend ka?" Pagtatakang tanong nya dahilan nang matawa na lamang ako.

"Minsan, the best parin ang mga kaibigan na kahit imaginary lang." nakangiting sabi ko dahilan nang matawa na lamang si Kc.

"Ang weird mo talaga ate." Natatawang sabi nito. "Buti pa ako, may mga bago at totoong kaibigan na hindi lang imaginary." Nakangiting sabi nya. Mag-sasalita na sana sya nang bigla naman akong mag-salita.

"'Yung triplets." Saad ko dahilan nang mapangiti si Kc.

"Oo." Masiglang sabi nya. "Ang sasaya nilang kalaro." Muling saad nya dahilan nang mapangiti ako.

The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon