Nagulat ang lahat nang bigla nalang tinutukan ni Rin si Ishika ng mga matutulis nitong kuko.[Background song started]
[Sins of the Father - Deskant]
"R-Rin" Tanging sabi ni Daccoon. "A-Anong ginagawa mo?""B-Bakit?" Nauutal na sabi ni Ishika. Bakas rin sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil sa ginagawa ngayon ni Rin.
"Itigil mo na ang palabas na ito at ipakita mo ang totoo mong anyo." Seryosong sabi ni Rin habang nakatutok parin kay Ishika ang mga kuko nya. T-totoong anyo? Nagugulohan ako, anong pinang-sasabi ni Rin?
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Nauutal na sabi ni Ishika.
Mas lalo naman nilapit ni Rin ang mga kuko nito kay Ishika. "Alam kong isa kang halimaw." Seryosong sabi ni Rin.
I-isang halimaw? Si Ishika?
[Background song continuously]
"R-Rin, baka naman nag kakamali ka lang? Kauring tao nya si Kalie." Kinakabahan na sabi ni Daccoon.
"Tama sya" Nakangiting sabi ni Ishika atsaka ito tumalon sa likod ng isang puno.
Nagulat ang lahat nang mag bago ang anyo ni Ishika at nag anyo itong halimaw. Pang normal na katawan na babae lang ang meron sya pero sobrang itim ng balat at may mapupulang mata. Nag-iba na rin ang itsura nya at mukha na talaga syang nakakatakot na halimaw.
Tama nga si Rin.
Talaga ngang halimaw si Ishika!
[Background song ended]
"Hindi ko alam kung paano mo ito nalaman pero pinahanga mo ako." Nakangiting sabi ng halimaw. Kahit ang boses nya ay nagbago na rin at bigla ito naging malalim at malaking boses ng babae.
"Isa kang halimaw, pero bakit nais mong pakasalan si Rin?" Nakakunot noo kong tanong.
"Dahil pagnatapos ang kasal, lahat ng lakas na meron si Rin ay mapupunta sa akin at mag mimistulang lantang gulay na lamang sya at pag nangyari 'yun, magkakaroon na ako ng pagkakataon na mapaslang kayong lahat." Paliwanag nito na syang kinagulat namin.
"Hindi ko alam na magaling pala si Rin na alamin kung ano talaga ako, hindi tulad ng iba kong mga na-biktima." Nakangiting sabi naman nito. Marami na pala syang na-biktima! At ginamit nya pa ang anyo ko para lang mabiktima si Rin! lahat pala ng mga kwento nya sa amin noon ay mga kasinungalingan lang!
"Sayang nga lang at hindi na matutupad ang plano mo!" Inis kong sabi atsaka na sana ako a-atake sa kanya pero bigla nalang lumutang ang mga bulaklak sa paligid na nag mimistulang mga blade sa talas ang biglang umaatake sa akin ngayon.
Napaka hapdi ng mga sugat na natatamo ko mula sa mga bulaklak at hindi parin ito nahihinto sa pag-aatake sa akin. Bigla nalang akong napaupo dahil sa sakit na mga natamo ko, lumapit sa akin si Rin at pinang-dadagma ang mga bulaklak na sumusugod sa amin.
Ang iba naman naming mga kasama ay tumatago sa ilalim ng lamesa na may kurtina. Kita ko si Daccoon na papalapit sa amin at bigla nalang itong nag anyong espada sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...