Anong meron? Bakit may mga nag uumpukang studyante? Na-curious ako kaya lumapit ako sa kanila. Mga suot nilang uniform ay katulad rin sa uniform namin at pinapalibutan nila ang isang babaeng studyanteng na ngayong nakayukong umiiyak habang nakaupo sa gitna nila.
"Freak!"
"Get lost!"
"Pinanganak na panget!" Mga salitang binabato ng mga studyante sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang uminit ang ulo ko. Sino ba ang babaeng 'yan? Hindi ba sya marunong lumaban? Sobrang duwag!
Bakit hindi mo sabihin sa isang 'yun na mukha syang maputlang Alien?! Eh mukha naman talaga! Bakit hindi mo sabihin sa isa ring 'yun na mukha syang Panda na may pinagsamang Raccoon?! At ang isang 'yun mukhang ordenaryong studyanteng lalaki pero may buntot naman! 'Yung tatlong nasa likod mo bakit hindi mo sabihin na mukha silang mga unggoy?!
Ang dami mo ring masasabi sa kanila pero bakit piniling mong manahimik nalang diyan?! Duwag!
Sa ilang saglit, kinabigla ko ang pagsagi ng kanyang tingin sa akin. Naririnig nya ba ako? Mabuti na kung ganun nang matauhan naman siya sa kahinaan niya.
Sa palitan ng tinginan naming dalawa unti-unti ay lumiliwanag sa akin ang babaeng ito. Hindi lang ang tingin nya ang syang dahilan nang kinagulat ko kundi ang malaman na...
Ako ang babaeng ito.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga unggoy na ngayong nakatingin sa akin dahilan nang kinagulat ko at mabato ko sa kanila ang unan na nasa gilid ko.
I-ibig sabihin....totoo ito?! Reality ko ba talaga ito?! Hindi ako nananaginip?!
"Magandang umaga!" Bati sa akin ng mukhang Panda na Raccoon nang makapasok sila sa kwarto kasama ang iba pa nyang mga kasama.
Kwarto? N-nasa kwarto ako?!
"Nawalan ka nang malay kahapon at dinala kana namin dito para ipagpatuloy ang tulog mo." Saad naman ng batang lalaking may buntot.
Totoo talaga ang mga nangyayari! At hindi lang isang bangungot.
"W-wag kayong lalapit!" Babala ko sa kanila nang makatayo ako sa kamang hinihigaan ko atsaka hinanda ang sarili na mistulang manununtok pag may lalapit.
"Wala kang sapat na lakas kaya kumain kana!" Utos ng bata nang ilapag nya sa tabing lamesa ang isang Tray na may lamang pagkain.
Itong batang 'to! Anong akala nya sa sarili nya para utusan ako?! Dito lang ako nakakita ng batang kasing liit lang ng 5 years old ang nag uutos sa akin ng ganyan. May mukhang Alien, hayop na hindi maintindihan ang itsura at mga unggoy na may pagkatao kung kumilos! What kind of world is this?! B-Bakit ba ako dinala ng bruhang 'yun dito?!
Agad kong kinuha ang isang flower vase sa tabi at nag mistulang ibabato sa kanila dahilan nang kinatakot nila.
"P-pakawalan nyo ako!" Inis kong utos sa kanila. "Hindi ko kakayanin na may makakasama akong nilalang na katulad nyo! Inuulit ko! Pakawalan nyo ako!" Galit na utos ko.
"B-bitawan mo 'yan, d-delikado 'yan." Kinakabahan na sabi naman ng Panda na mukhang Raccoon.
"Who are you para utusan ako?!" Pangmamataas kong sabi. "Hindi ako ordenaryong tao lang dahil kaya ko kayong saktan!" Matapang kong sabi dahilan nang mas kinatakot nila.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...