Chapter 11: Ordinary to Extraordinary

45 2 0
                                    


"Inaantok pa ako." Reklamong sabi ni Shita na ngayong nakasakay sa balikat ni Daccoon.

Another morning nanaman sa mundo ng mga kakaibang creatures. Ngayon ay pinagpapatuloy nanaman namin ang paglalakbay.

"Kumain na muna tayo." Suggest ni Allen nang tumunog ang tyan nito dahil sa gutom.

"Mukhang malayo pa ang pagtutungohan natin." Dagdag ni Daccoon.

Napatingin kami sa mga monks na biglang nag-iingay at nag tatalon-talon sa ulohan ni Daccoon, may tinuturo sila sa gilid. Agad naman naming pinuntahan ang tinuturo ng mga monks kahit na medyo masukal ang daan.

Sa ilang saglit ay may nakita kaming lawa. Tuwang-tuwa silang tumatakbo papunta sa lawa habang naiwan naman akong nakatayo.

"Kalie! Halika!" Aya ni Allen habang nag lalampisaw sa tubig.

"Kailangan kong mag madali!" Reklamong sabi ko pero patuloy parin sila sa paglalampisaw sa tubig. Hindi ko alam kung paano ko pinagtitiisan ang mga 'to.

Baka marumi ang lawa kaya ayaw kong mag lampisaw nalang bigla doon at baka magka rushes pa ako. Kaya naman naupo nalang ako sa isang malaking bato na nasa isang tabi habang pinapanood sila na tuwang-tuwang nag lalampisaw sa tubig.













"Ikaw ang nanalo sa swimming contest?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jessy na classmate ko na ngayong naliligo sa swimming pool.

"'Seguro mas lalo kang nagiging monster kapag sa tubig?" pangaasar na sabi naman ni Kariel na naliligo rin.

"Hindi kami makapaniwala na ikaw ang nanalo." Inis na sabi naman ni Jasmine na nasa tabi ko.

"Pwede mo bang ipakita ulit sa amin ang galing mo sa pag-langoy?" Nakangiting sabi naman ni Jessy.

"Sige na!" Sigaw ni Jasmine atsaka ako nito tinulak sa tubig.

Tunog ng tubig at ang mga tawa ng mga classmates ko ang tanging naririnig ko nang pumailalim ako sa tubig dahil sa malakas na pagtulak sa akin.

"Bakit nyo naman ginawa 'yun?" Naiiyak kong tanong sa kanila pero hindi nila ako pinapansin.

"We will make sure na hindi kana ulit mananalo sa susunod na contest!" Inis na sabi ni Jessy atsaka nya ako nilublob sa tubig.

"T-Tama na!" Nag mamakaawa kong sabi nang mapaahon ako pero patuloy parin sila sa pag lublob sa akin sa tubig.

Hanggang sa mawalan na ako ng malay nang mga oras na ito.














"At hindi ko inaasahan na nanatili akong buhay mula sa paglunod nila sa akin." Tanging nasabi ko nang maalala ko ang isa sa masamang ala-ala.











Pagtapos nang pangyayaring 'yun, natupad ang hiling nila na wala nang kahit na kapanalohan akong matatanggap sa mga sumunod na swimming contest.

Dahil sa trauma na natamo ko.














"Sila ang mga tunay na halimaw." Wika ko at ngumisi.

"Hoy Kalie! Sinong kausap mo dyan?" Rinig kong sigaw ni Shita na ngayong nag lalangoy sa gitna ng lawa.

"Wala!" Inis kong sabi at binelatan nanaman ako.











'Yung bubwit na 'yun ang lakas ng loob na lumangoy sa gitna ng lawa. Dito lang ako nakakita ng maliit na bata na nag lalangoy sa gitna ng lawa.













The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon