"Kalie!" Tawag sa akin ni Shita. "May ipapakita ako sayo!" Masayang sabi nito nang lapitan nya ako."Ano?" Nakakunot noo kung tanong sa kanya habang nag susuot ng sapatos.
"Heto oh." Wika niya atsaka pinakita sa akin ang isang maliit na gagamba na nasa kamay nya dahilan nang mapasigaw ako sa takot at mabato ko sa mukha ni Shita ang isang piraso ng sapatos ko.
"Ilayo mo sa akin 'yan!" Galit kong saad sa kanya.
"Ilalayo ko na! Bakit kailangan mo pa akong batohin?!" Galit nitong sabi atsaka ako inalisan.
Mula bata ay ayaw na ayaw ko na sa mga gagamba! Pwede nyo iharap sa akin ang mga nakakatakot na halimaw 'wag lang gagamba!
"Hindi ko alam na may takot ka pala sa gagamba." Pangaasar na sabi ni Rin atsaka ito bumaba mula sa sanga ng puno. Asar! Nakita nya pala 'yun?! Nalaman nya tuloy na takot ako sa gagamba!
"Bakit ngayon ka lang ba nagising?! Aalis na tayo!" Galit na sabi ko sa kanya para mabago ang usapan. "Hahanap pa tayo ng mga halimaw na mapapaslang." Muling saad ko atsaka dinampot ang pares ng sapatos ko na binato ko kay Shita.
"Mukhang nag bago na ata ang plano mo." Pangaasar nito dahilan nang mapatingin ako sa kanya.
"Pwede kitang tulongan na pumaslang ng mga halimaw pero alam mo na ang kapalit nito." Seryosong sabi ko atsaka sya nilapitan pagtapos kong isuot ang pares na sapatos.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo." Saad niya atsaka ako nilagpasan. "Kahit na anong gawin mo, hindi ako mag papakasal sayo." Rinig kong sabi pa nito habang patuloy sa paglalakad.
"Baka nakakalimutan mo na...alam ko na kung paano ka mapapaslang." Seryosong sabi ko naman. "Sa susunod, hindi na ako makakaramdam na kahit na anong konsensya habang unti-unti kang pinapatay ng mga lason sa katawan mo." Patuloy ko.
"Sa tingin mo ba ay natatakot ako?" Saad niya nang lingonin nya ako atsaka naman ito ngumisi. "At baka nakakalimutan mo rin na...alam ko kung ano ang kinatatakutan mo." Nakangiting sabi niya atsaka ako nilapitan.
"Malapit sa gubat na ito ay meroong namumuhay na mga halimaw na gagamba." Pananakot niya atsaka na nya ako inalisan. Talagang sinusubukan niya ako!
"Kalie! Humingi ka ng tawad sa ginawa mo sa akin kanina!" Inis na sabi ni Shita nang harangan nya ang dinadaanan ko.
Muli na namin pinag-papatuloy ang pag-lalakbay.
"Kelan mo ako narinig na humingi ng tawad?" Naka-cross arms kong sabi sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko." Utos ko atsaka ko sya nilagpasan.
"Napakasama mo talaga!" Rinig kong sigaw ni Shita dahilan nang lingonin ko sya at tignan ito ng masama. "A-Allen! Napakasama mo talaga! Naalala mo 'yung kinuha mong prutas sa akin noon?! Akala mo ba hindi ko nakakalimutan 'yun ah?!" Galit na saad nito kay Allen dahilan nang pinagtaka ni Allen.
"Ang tagal na nun ah!" Pagtatakang saad ni Allen.
"K-kahit na!" Saad ni Shita atsaka naman ito napatingin sa akin, inirapan ko lang sya at muli ko nang binalik ang tingin ko sa paglalakad atsaka naman ako napatingin kay Rin na ngayong tumatakbo sa gilid ng isang masukal na daan kung kaya't sinundan ko ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rin na ngayong tinututukan ng matutulis nyang mga kuko ang tatlong mga lalaking monsvill.
"K-Kalie, T-tulongan mo kami." Nag mamakaawang sabi ng isang monsvill. Kilala nila ako? Hindi ko alam na sikat na pala ako sa village.
BINABASA MO ANG
The key
FantasiaKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...