Chapter 18: Die by the Sword

47 2 1
                                    


Muling pag-lalakbay sa panibagong araw.

Kailangan ko na talagang pakasalan itong mukhang halimaw naming kasama nang makabalik na ako sa mundo ko! Pero napaka hirap naman kasing pilitin nito!





"Baka makarating na tayo sa pinaka-dulo ng lugar na ito dahil sa kakalakad natin." Saad ko.

"Possible nga 'yang sinasabi mo Kalie." Sabi ni Allen na syang kinabigla ko. "Dahil ang lugar na ito ay nasa loob lang ng isang silid."

"Sa loob lang ng isang silid?" Pagtataka kong sabi at nilibot ang paningin sa palagid atsaka naman ako napatingin sa suot kong bracelet.




Oo tama! Isa lang itong silid sa loob ng isang tahanan ng kung kanino 'man.




"Ang mga nakatira ba sa silid na 'to ay pwedeng makarating sa pangunahing kwarto, sa pangunahing kusina at sa kung saang whatever na pangunahin sa tahanang ito?" Tanong ko kay Allen.





Bakit kasi hindi ko nalang masabi na main kitchen, main restroom etc. Medyo malalim kasi itong mga kasama ko kung mag-salita kaya kailangan na ako pa ang mag adjust!






"Hindi maaaring makarating roon ang mga halimaw at ang mga monsvill." Paliwanag ni Allen.







Hindi naman monsvill or halimaw si Rin kaya pwede rin syang makapunta doon. Bakit napakarami paring gumugulo sa isip ko? Saan ba nagmula ang weird na bahay na 'to? Sino ba ang nag sumpa sa kanila? At paano naman nag karoon ng mga monsters and monsvill sa weird na tahanan o mundong 'to? Gusto kong malaman kung paanong nagkaroon ng ganitong weird na tahanan?

Hindi kaya ang gumawa nito at ang mga nagsumpa sa kanila ay...i-isa lang?

Ano bang dahilan para kunin ang mga alaala nila? Wala tuloy akong makuhang sagot sa mga katanungan ko.









"Arrrrgh!" Inis kong sabi dahilan nang mapatingin silang lahat sa akin.

"Wala akong sinasabing masama sayo ah!" Nakakunot noong sabi ni Shita pero binigyan ko lang ito ng what-are-you-talking-about look.








Sa gitna nang aming pag-lalakad. Nagulat ako nang may napansin akong mukhang tao na nasa unahan namin. Naka focus lang ang tingin ko rito at baka nag-mamalikmata lang ako.

Mukha syang teenager na lalaki at kung titignan ay para itong kaluluwa. T-Totoo ba itong nakikita ko? Nakasuot sya ng floral na white shirt and floral na white pants, sobrang puti nya at ang puti rin ng  buhok nito.

Hindi kaya...

Hindi lang mga halimaw ang pwede naming makasalamuha? Kundi....

Mga multo rin?!









"N-nakikita nyo ba 'yun?" Tanong ko sa mga kasama ko habang nakakaramdam ng takot atsaka naman sila napatingin sa tinitignan ko.

"Wala." Maikling sagot ni Daccoon na syang pinagtaka ko. Kita ko naman rin ang pagtatakang expressions ng mga monks.

"Ano bang nakikita mo Kalie?" Tanong ni Allen.

Nalagpasan na namin ang mukhang multo dahilan upang makumpirma ko na hindi nga nila nakikita 'yun dahil hindi nila ito pinansin.

Napalingon naman ako kay Rin na seryosong nag lalakad habang nakapamulsa.

"Hindi nyo ba nakita ang lalaki kanina?!" Galit kong tanong sa kanila dahilan nang mapahinto kami sa pag lalakad. Atsaka naman nila ako binigyan ng what-are-you -talking-about look.

The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon