Sabado ngayon at mabuti ay hindi ako maboboring sa first weekend ko dahil may lakad ako.Suot ko ngayon ang white dress ko, hindi naman talaga ako mahilig mag suot ng dress at ewan ko kung bakit trip ko ngayon suotin ito.
"Oh, saan ang lakad mo at mukhang bihis na bihis ka?" Pagtatakang tanong sa akin ni mama nang makita nya akong bumababa ng hagdan.
"May date ka ba anak?" Tanong naman ni papa dahilan nang kumunot ang noo ko.
"Wala." Nakakunot noo kong sabi. "Basta may lakad ako, uuwi ako agad."
"Ok sige, mag-iingat ka." bilin ni mama atsaka na ako lumabas ng bahay.
Actually, medyo malapit lang sa bahay ang venue ng theater na papanoorin namin. Kaya naman ok lang sa akin kung lakarin ko nalang atsaka medyo mahaba pa naman ang oras bago mag simula ang palabas.
Habang nag-lalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa bigla kong naalala ang napanaginipan ko kagabi.
Si Rin lang naman ang napanaginipan ko, ang maamong mukha ni Rin habang nakangiti sa akin.
"Mas lalo ko tuloy syang namiss." Nakangiting sabi ko habang naglalakad.
Sa paglalakad ko, bigla nalang akong napatingin sa gilid at napahinto sa paglalakad nang makita ko ang bakanteng lote na malapit sa Library.
At ngayon, nag lalakad ako papunta sa bakanteng lote. Dito sa pwesto ko ngayon una kong nakita ang maliit at ordenaryong bahay. Ang bahay na puno ng misteryo.
Pinikit ko ang mga mata ko habang nakangiting inaalala ang lahat ng mga binaon kong alaala mula sa kapangyarihang illusion ni Ziera.
Una kong naalala ang mga moments noong una naming pagkikita ni Allen, sumunod kay Shita at sa mga Monks, pati na rin kay Daccoon. Nahimatay pa ako noong unang beses ko silang makita na mag kakasamang lahat. Naalala ko rin noong unang beses kong magamit ang binigay na kapangyarihan sa akin ni Allen, pakiramdam ko nun sobrang lakas ko talaga! At 'yung first time kong makita si Rin, 'yon 'yong moment na akala ko ay kataposan na ng buhay ko. Grabe talaga sya manakot! Kaya galit na galit ako sa kanya noon. Pero, buti nalang pinagaan ng ibon na dove ang loob ko at nagkaroon ako muli ng pag-asa mamuhay. First time kong makatulong at makaligtas ng makita ko si Tarus, actually proud na proud ako sa sarili ko noong nagawa ko syang tulongan. Napaka sarap sa pakiramdam! Lalo na 'yong natanggal ko ang malaking batong nakaipit sa kanya. Noong una kong makita ang pamilya ni Tarus at ang tahanan nila...Deep in side manghang-mangha ako sa kanila. Dahil, kahit na simple lang ang buhay nila ay contented na sila sa kung anong meron sila at bukod doon napaka saya at peaceful ng buhay nila. Hindi ko rin inakala na magiging monster slayer ako sa mundong 'yon at mabuti nalang ay hindi tunay na halimaw si Rin upang walang dahilan na paslangin ko sya. Sobrang saya ko noong pinuntahan ako nila Allen sa silid na kung saang may mga halimaw. Dahil sa kanila, naging masaya ang paglalakbay ko.
Maraming pagsubok ang nangyari sa akin noon, at hindi ko inaasahan na malalagpasan ko ang lahat ng 'yon. Halos lahat na ng emotion ay naramdaman ko doon. Lungkot, excite, saya, galit, gulat, selos at iba pa.
W-Wait selos? Oh crap! Oo na! Aaminin ko nang nag selos ako kay Rin at Ishika noon Haaays.
Nakakatawa na nakakaloka ang mga narasanan ko doon. Ngunit, kahit na illusion lang ang mga 'yon buhay na buhay naman ito para sa akin.
Unti-unti ko nang minulat ang mga mata ko at nang ilibot ko ang paningin ko...Wala akong ibang nakikita kundi ang kulay puting kapaligiran.
A-anong nangyayari?
Binabalotan nanaman ba akong muli ng kapangyarihan ni Ziera?
"Allen?! Shita?! Mga Monks?! Daccoon?! R-Rin?!" Tawag ko sa kanila habang patuloy kong nililibot ang paningin ko sa kulay puting kapaligiran. Umaasa ako na muli ko silang makita sa pagkakataon na ito.
Gustong-gusto ko silang makita.
"Kamusta, Kalie?" Rinig kong boses mula sa likuran.
"Rin?!" Masayang sabi ko nang may tumawag sa pangalan ko. Ngunit... "Ziera" Tanging saad ko nang lingonin ko ito.
"Hanggang ngayon ay sabik na sabik ka paring makita sila." Nakangiting sabi nya habang papalapit sa akin.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan parin ang paligid.
"Paumanhin ngunit, hindi mo sila makikita." Nakangiti nya paring sabi dahilan nang mapa-cross arms na lamang ako.
"Hindi ko naman sila hinahanap." Saad ko atsaka naman sya napangiti.
"Hanggang ngayon ba ay magaling ka parin mag panggap?" Saad nito atsaka ko muling binaling ang tingin ko sa kanya.
"Ano bang kailangan mo? Bakit ka nag pakita ulit sa akin?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Nandito ako para sabihin sayo ang mga bagay na nais kong malaman mo." Nakangiting sabi naman nito dahilan nang mapaisip ako. Mga bagay na gusto nyang malaman ko? Ano naman 'yon?
By the way, may mga gusto rin pala akong itanong sa kanya. Kaya, sakto lang na makita ko syang muli.
Habang naglalakad papunta sa venue sa Theater...Hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Ziera kanina.
"Ang mga katangiang panloob ng mga taong kilala mo at ng mga makikilala mo palang sa mundong ito ay ginawa ko ring katangiang panloob ng ibang mga ginawa kong characters sa mundo ng illusion."
Itong sinabi nya ang saktong sagot sa mga katanongan ko. Kaya pala familiar sa akin ang ugali ng mga kilala ko. Kung ganun...ginaya ni Ziera ang ugali ni papa para sa ugali ni Daccoon. Ang mga ugali naman ng Triplets na mga anak ng kaibigan ni Mama ay ginayang ugali para sa mga Monks. Ginaya nya naman ang ugali ng bago ko lang nakilala na si Allen kay Allen. Pareho silang maraming nilalaman at parehong magaang kasama.
Teka, Bago ko lang nakilala si Allen na schoolmate ko. Kung ganun...nakikita rin pala ni Ziera ang mangyayari in the future? Kaya pala may ibang mga moments na katulad sa istorya nya. Tulad nalang noong nag patabi matulog sa akin si Kc dahil natatakot sya, nag patabi rin sa akin noon si Shita. Pati rin ang makita kong gumagawa si papa ng inumin na madalas ring gawin ni Daccoon.
Sumunod ang ugali ni Kc ay ginaya nyang ugali para kay Shita. Kaya pala madalas kong tinutulad noon si Shita sa kapatid ko.
"Ang katangiang panloob at ang itsura naman ni Rin ay kinuha ko mula sa lalaking nakatadhana sayo."
Ito ang huling sinabi ni Ziera bago sya mag laho sa paningin ko. Ang sinabi nya na hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isip ko.
Ang katulad ng ugali at itsura ni Rin ay nag mula sa ugali at itsura ng lalaking nakatadhana sa akin?! Ang ibig nya bang sabihin ay ang lalaking makakatuloyan ko?! S-Sino naman?!
Si Rain lang naman ang hawig ni Rin, at noong makita ko ang mala halimaw nyang ugali...Bigla ko naalala doon ang dating ugali ni Rin noong mukha pa syang halimaw. Kung ganun, pwedeng si Rain ang tinutukoy ni Ziera?
Pwede naman rin sa lalaking muntik na akong saksakin. Noong una kong makita si Rin namumula ang mga mata nya katulad sa lalaking 'yun at masasabi kong same sila ng ugali noong mukha pang halimaw si Rin.
Kung si Enzo naman? Seguro same sila ng ugali ni Rin noong high school palang sya. Pero, parang ang layo naman kasi ng itsura nya kay Rin.
Sino ba sa kanila? O baka naman, hindi ko pa nakikita o nakikilala ang lalaking tinutukoy ni Ziera na sinasabi nyang nakatadhana sa akin.
[Author]
Thank you for keep reading! Please don't forget to vote, comments and share! Love lot's and God bless everyone!
Featured song: Back to you by Louis Tomlinson
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...