"Ano bang nangyari dyan sa mga sugat mo sa mukha?" Alalang tanong sa akin ni mama nang puntahan nya ako sa kwarto ko."Kapag sinabi ko naman ang dahilan, balewala lang sa inyo." Nakayukong sabi ko.
"Anak-" putol na sabi ni mama nang bigla akong mag-salita.
"Kapag sinabi kong gawa ito ng mga kaklase ko anong gagawin nyo? Sasabihin nyong hayaan mo na Kalie isang taon nalang rin at ga-graduate kana ng junior high school. Isang taon pa ako mag titiis sa mga pambu-bully nila sa akin? Paano kung mamatay nalang ako sa panunukso nila? Baka pagsisihan nyo pa." Naiiyak kong sabi sa kanya.
"Baka naman kasi pumapatol ka sa kanila?" Tanong nito.
"Wala akong kakayahang pumatol sa kanila dahil wala akong laban kaya sana 'man lang kahit papaano ay may mga magulang akong kaya akong ipaglaban sa kanila."
3 years ago parang wala paring nag babago sa sarili ko. Isa parin akong duwag!
"Puntahan na kaya natin sya?"
"Ano bang nangyari sa kanya"
"May problema ba 'yun?"
Rinig kong usapan ng mga kasama ko na ngayong medyo malayo sa akin habang patuloy parin ako sa paghuhugas ng kamay sa panibagong lawa na nakita namin.
"Samahan nyo akong makarating sa village." Seryosong sabi ko nang lapitan ko sila.
"Ayos kana ba?" Alalang tanong ni Daccoon habang tumatago sila sa likod ng puno.
"Kaya mo na bang lumakbay muli?" Nag-aalalang tanong naman ni Allen.
"Kapag sinabi ko bang hindi maayos ang kalagayan ko ay iisipin nyong mahina ako?" Seryosong sabi ko atsaka ako napabuntong hininga. "Ayos lang ako, sadyang hindi lang maganda ang araw ko." Dagdag kong sabi atsaka na sila lumabas mula sa likod ng puno at nilapitan ako.
"Bakit gusto mong pumunta sa nayon?" Tanong ni Shita.
"Hindi ba't pupuntahan mo si Rin?" Nagugulohang tanong naman ni Allen.
"Kailangan ko munang pumunta sa Village bago puntahan si Rin. Kailangan ko munang mag palakas pa." Seryosong sabi ko at tinignan ang kamay kong may malalim na sugat.
"B-Bakit naman?" Muling tanong ni Allen habang seryoso at deritso lang ang tingin ko sa unahan.
"Hindi pa sapat ang lakas ko ngayon para mapatay sya." Wika dahil dahilan nang kinabigla nila.
"P-papaslangin mo si Rin? B-Bakit?" Nagugulohang tanong ni Allen.
"Bakit ba napakarami niyong tanong?Sumunod nalang kayo sa akin!" Inis na sabi ko at nag simula nang maglakad.
"Kahit na anong gawin mo, hindi mo mapapaslang si Rin." Rinig kong sabi ng kung sino sa likuran ko dahilan nang kinainis ko kaya naman muli ko silang hinarap.
Napaisip ako kung sino itong Monsvill na nasa harapan ko ngayon na may bitbit na mga kahoy atsaka naman ako napatingin sa mga kasama ko sa gilid na kasabay ko ring napalingon sa likuran nang mag-salita itong Monsvill. Bakit hindi namin ito napansin kanina? Daig pa nya multo.
"Anong ginagawa mo dito? Malayo ang village nyo dito ah?" Nakakunot noo kong sabi sa kanya.
Mukhang ordinaryo na binatang monsvill lang ito na may kasuotang pang tao at ano kaya ang naisipan nya para pumunta sa lugar na 'to na alam naman nilang maraming halimaw sa labas ng village nila.
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...