Ang susing dinampot ko sa lupa sa tingin ko ay pag-mamayari ng panget na halimaw. Hindi ko alam kong ano itong straight na liwanag ang nakatuon lang sa unahan na nanggagaling sa susi pero nag karoon ako ng lakas na loob na sundan ito at alamin ang dulo nito dahil pakiramdam ko ay may kung anong meron doon.
Baka naman tinuturo nito ang lugar na kung saan ay may nakatagong kayamanan! Kung ganun...Yayaman na ako!
Pero para saan pa ang yaman kung mananatili na ako sa lugar na 'to na kung saan ang lahat ng mga nakakasalamuha ko ay mga nakakatakot na nilalang.
Wala ng pag-asa para makauwi ako dahil wala na ang sinumpang binata na si Rin.
Bakit parang napakalayo naman ang dulo ng ilaw na 'to! Kung saan-saan na ako nakakarating pero kahit papaano naman ay nakakakita ako ng mga magagandang tanawin dahilan nang makaramdam ako ng payapa.
Sa isang saglit ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkamanghang makakita ng village sa kalayuan. Nandito ako sa isang bundok kaya talaga namang kita ko ang over looking view! Napakaganda pero mas namamangha ako sa nakikita kong village.
May mga tao kaya doon? O baka naman puro mga halimaw rin ang mga nakatira doon. Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa lugar na 'to?
Kalie, pwede ba! 'wag kana munang mag-isip ng kung ano! Seguro may iba pang paraan para makauwi ka sa totoong mundo mo.
Wala na ang halimaw na si Rin kaya ang dapat mong hanapin ay ang sumumpa sa kanya o ang gumawa ng mga kalokohang ito at kapag napatay mo ito tiyak na makakauwi kana sa inyo.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at napansin ko na parang familiar ang lugar. Dito ako galing kanina, kung saan ko nakita ang halimaw na si Rin, dito sa napakaraming mga buto ng hayop o ng kung ano.
Napatingin naman ako sa unahan, napasingkit pa ang mga mata ko habang sinusuri kung ano ba ang nakikita ko ngayon sa unahan.
Kweba ba 'yun?
At ang straight na ilaw mula sa susi ay nakatuon lang sa loob ng kweba. Sabi ko na nga ba! Tinuturo ng susing ito kung saan may nakatagong kayamanan!
Seguro naman kapag yumaman ako dito ay bibigyan nila ako ng magandang trato! At wala na silang kakayahang saktan o patayin ako!
Pumasok na ako sa loob ng kweba. Napaka dilim! Buti nalang may ilaw na lumalabas dito sa susi kaya naman kahit papaano ay nakikita ko ang daan.
Habang nag lalakad sa napaka dilim na paligid ay bigla nalang akong napasigaw sa takot nang maramdaman kong may bigla nalang lumakad na kung anong maliit sa paahan ko.
Daga pala! Pero kahit na! nakakadiri! Mas lalo tuloy akong natakot, baka may mga ahas or kahit na anong wild animal ang bigla nalang umatake sa akin!
Nakakainis! Gusto ko nang umatras pero parang hinihila naman ako ng hawak kong susi papunta sa deriksyon ng ilaw.
Bahala na, isipin ko nalang na mas nakaka-proud kapag nakita ko na ang kayamanan pagtapos kong malagpasan ang mga pagsubok sa kwebang ito.
Sa Ilang saglit ay nakita ko na ang dulo ng ilaw na nagmumula sa susi. Dahan-dahan ko itong pinuntahan kahit na nakakaramdam parin ako ng takot. Pinag papawisan ako kahit na malamig naman dito sa loob ng kweba. Bakit ba parang iba ang kutob ko?
At ang dulo nito ay sa isang padlock atsaka nalang ako napaatras nang ma-realized na...
Nasa harapan ako ng isang selda dahilan nang biglang tumaas ang mga balahibo ko dahil sa takot na baka kung ano ang nakakulong sa loob nito. Bakit kulongan ang dulo nito?! N-nasaan na ang mga nag kikislapang mga ginto?
BINABASA MO ANG
The key
FantasyKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...