Kung nandito lang seguro ang mga nilalang na 'yun kahit papaano ay hindi ako makakaramdam ng pagka boring tulad ng ganito.
Humigab ako nang makaramdam ako ng antok at pinikit ang mga mata ko habang nakasandal sa isang malaking puno pero wala pa isang minuto ay napamulat ako nang bigla kong maramdaman ang paggalaw ng lupa sa pwesto ko.
Unti-unting bumibitak ang lupang kinauupuan ko dahilan nang mapatayo ako dahil sa gulat. Mas kinagulat ko at paggalaw ng mga ugat ng punong sinasandalan ko. Napasigaw naman ako nang bigla akong palibutan ng mga ugat.
Paano ako makakaalis dito?! Napapaligiran na ako ng mga nakakatakot na ugat! Mas lalo sila humahaba dahilan nang mas lalo kong kinatakot.
I-isang punong halimaw!
Umilag nalang ang kaya kong gawin sa mga ugat na sumusugod sa akin at nang may nakita akong chance para makaalis sa pwesto ko, hindi na ako nag dalawang isip na tumakbo paalis.
"Lumayo ka sa akin!" Sigaw na sabi ko sa malaking puno na humahabol sa akin ngayon.
Nakakainis! Ayaw ko na talaga sa mundong 'to!
Sa aking pag-tatakbo, nakita ko ang bangin sa unahan dahilan nang mahinto ako sa pagtakbo.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nag babakasakaling may mapuntahan pa ako para makatakas sa punong humahabol sa akin.
Pero...
"What the!" Sigaw ko nang ma-corner ako ng punong halimaw na ngayon ay malapit na sa akin.
Nakakainis! Nag papahinga lang naman ako kanina tapos bigla nya akong susugurin!
"Sige! Lumapit ka pa!" Siga ko. "Hindi ako mag dadalawang isip na itutok sa iyo itong palad ko!" Matapang kong sabi sa kanya.
Nang lumapit ito sa akin, tinapat ko sa kanya ang kanang palad ko pero...
"B-Bakit?!" Inis kong sabi nang walang kung anong malakas na liwanag ang lumalabas sa palad ko.
Ito na nga ata ang katapusan ko! Wala nang paraan para makaligtas sa nalalapit kong kamatayan. Bukod sa halimaw na puno ay may isa pang paraan para mamatay ako, yun ay ang mahulog sa bangin. Nakakainis! Wala bang ibang choice kung saan ay maliligtas naman ako?!
Napaatras ako dahil sa takot nang mas lalo pa syang lumapit sa akin dahilan nang matapakan ko ang pinakadulo ng lupa at mapasigaw ako.
Ito na nga ata ang kapalaran ko sa lugar na ito ay ang mamatay!
Napapikit ako habang inaantay ang pagbagsak ko sa lup pero nagulat ako nang bigla nalang may ugat na pumulupot sa akin atsaka ako muling itinataas.
Binigyan ko lang ng what-are-you-doing look ang punong halimaw nang ibalik nya ako. Nang makaupo ako sa lupa ay tinanggal nya na ang nakapulupot na ugat sa akin na syang mas lalo kong pinagtaka.
N-niligtas nya ako? Pero bakit?
"Bakit mo ginawa 'yun?" Nakakunot noo kong tanong sa halimaw pero hindi ito nag sasagot. Para akong sira ulo na kumakausap sa isang puno.
Nagulat naman ako nang tumawa ang puno atsaka ito lumabas ng makapal na usok dahilan nang maubo at mapayuko ako.
"Musta Kalie?" Rinig kong boses mula sa harapan ko kaya naman agad ko itong tinignan.
BINABASA MO ANG
The key
ФэнтезиKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...