Pinatay ko sya...Pinatay ko si Rin."Kalie?"
"Kalie.."
Hindi parin nag si-sink in sa isip ko ang nangyayari.
"Kalie..."
Nakatayo habang nakatulala sa nanghihina na si Rin. Ano ng gagawin ko?
"Kalie!" Rinig kong muling tawag sa akin ng mga kasama ko nang bigla akong tumakbo palayo sa kanila.
Mag-isa akong nakatayo sa isang masukal na gubat. "Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit ako nandito." Nagugulohang sabi ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Galit, konsenya at lungkot.
"Heto ba?! Ito ba ang gusto nyo?! Ang manatili ako sa mundong 'to?! Hindi pa ba sapat ang paghihirap ko sa totoo kong mundo kung kaya't ako ang pinadala nyo rito?! Oo deserve ko! Deserve ko ang mag mag suffer ng ganito pero.....hindi ito ang gusto ko." Umiiyak kong sabi atsaka ako napaluhod sa lupa.
"Ziera! Alam kong nandito ka lang! Alam kong naririnig mo ako! P-pakiusap, gusto ko ng bumalik sa mundo ko." Atsaka naman ako napahagulgol at napakarmot sa lupa dahil sa mabigat kong nararamdaman.
"Kalie" Rinig kong malamig na boses dahilan nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong makita ni-kahit na sino.
Nagulat ako nang biglang lumutang ang suot kong bag at lumabas galing sa loob nito ang dove na ibon na syang mas kinagulat ko.
Naging totoong ibon muli ang laruang kahoy. Tumayo ako at sinundan ang ibon sa paglipad nito sa isang direksyon. Saan kaya ito pupunta? Itong ibon rin kaya ang tumawag sa pangalan ko kanina?
Isang malamig na boses ng babae.
Sa ilang saglit ay nahinto ang ibon at bumungad sa akin ang napakalawak na lupain na puno ng mga bulaklak.
Muli akong napatingin sa ibon na lumilipad sa itaas ko. Balak nya segurong pagaanin ang loob ko pero hindi ito sapat para gumaan ang loob ko.
"Pumitas ka ng mga bulalak." Isang malamig na boses muli dahilan nang mapatingin ako sa paligid atsaka naman lumilipad ang ibon sa harapan ko, hindi kaya...
"Kalie." Muling tawag nito sa akin dahilan nang kinagulat ko. Nag-sasalita ang ibon?! Sa kanya nanggagaling ang malamig na boses kahit na hindi bumubuka ang bibig nito.
"Hindi ang espada ni Chloris ang makakapatay kay Rin kundi ang lason na unti-unting kumakalat sa katawan nya na nagmula sa espada." Paliwanag nito na syang kinagulat ko.
Kung ganun ang lason pala na nag mumula sa espada ang makakapatay ngayon kay Rin.
"Pumitas ka ng mga bulaklak na tinatawag na Chlorias" Saad nito. Chlorias? Ngayon ko lang narinig ang ganitong pangalan ng bulaklak.
"Itapat mo ang mga ito sa natamong sugat upang sipsipin ng mga Chlorias ang kumakalat na lason sa buong katawan nya." Muling saad nya atsaka ako napatingin sa mga bulaklak na Chlorias pala ang tawag. Kung ganun pwede ko pang maligtas si Rin.
"Gawin mo 'yan kung nais mong manatiling buhay si Rin." Huling sabi nito bago siya muling bumalik sa loob ng suot kong bag.
"S-Sandali." Pigil ko nang mapagtanto kong may itatanong ako pero tuloyan na itong nakabalik sa anyong kahoy na ibon. "Napaka misteryo ng ibon na 'to." Wika ko habang nakatuon ang tingin sa loob ng bag.
"Kalie." tawag sa akin ni Allen nang balikan ko silang muli.
"Saan ka ba nanggaling?!" Galit na tanong naman ni Shita.
BINABASA MO ANG
The key
FantasíaKalie Mujica is a 17 years old high school student. She has a beauty but has a bad character that's why one day she met an old woman who controlled her and brought her in front of the small and ordinary-looking house. "Nahihirapan makahanap ang anak...