Chapter 28: Denaris The Deceitful Fairy

32 2 0
                                    



"Kinalulugod ko ang kinamatay nya." Seryosong saad ko habang nakatuon ang tingin sa puntod ni Tarus na sa likod ng tahanan nila.

"Ngunit pinagmamalaki ko ang ginawa nyang kabutihan." Nakangiting sabi ni Kura habang may mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.







"Tarus!"

"K-kayo ng bahala sa pamilya ko Kalie."








Muli ko nanaman naalala ang scenario na iyon. Binuwis ni Tarus ang buhay nya para kay Rin.

At utang na loob ko ito sa kanya.

"Tutungo ba kayo sa pinaroonan ng mga kaibigan mo?" Tanong sa akin ni Kura dahilan nang matauhan ako.

"Hindi na muna dahil kailangan ko pang paslangin ang malaking halimaw kahapon na gusto sanang umatake dito sa Nayon." Saad ko atsaka naman sya napatango.

"Ako ang papaslang sa halimaw." Sulpot ni Rin nang lapitan nya kami.

"Hindi pa gaanong maayos ang kalagayan mo." Inis na sabi ko sa kanya nang makita ang itsura nya na maraming bandage at gasgas. "Hayaan mong ako nalang ang pumaslang doon."

"Sasama ako." Nag pupumilit nitong sabi, napabuntong hininga naman ako.











"Matatagpuan nyo ang halimaw na iyon sa timog at pumaroon kayo sa unang kaliwa, deritso lang ang lakad nyo at matatagpuan nyo na ang ilog at sa dulo ng ilog meroong talon, sa likod ng talon nyo matatagpuan ang kweba kung saan ang halimaw."

"Mag-iingat po kayo ate Kalie."











Nandito na kami ngayon sa ilog na tinutukoy ni Kura at kailangan nalang namin puntahan ang dulo nito para matagpuan ang talon na tinutukoy nya.

"Malapit na tayo." Rinig kong sabi ni Rin habang naglalakad sa unahan ko.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Naririnig ko ang pagbagsak ng mga tubig." Sagot nito dahilan nang mapaisip ako. Bakit wala akong marinig? Kailangan ko na seguro mag linis ng tenga.

"Hindi ko parin alam kung bakit nya binuwis ang sarili nyang buhay para lang sa akin." Tanong nito habang nakapamulsa. Tinutukoy nya si Tarus dahilan nang mapayuko ako.

"Hindi nya naisip ang kahalagahan ng buhay niya sa mga oras na 'yun at ang halaga mo ang naisip nya kung kaya't nagawa nya 'yun." Sagot ko habang patuloy parin sa paglalakad.

"Kailangan pang mawala ang buhay ng isang tao upang makaligtas ng buhay ng iba." Seryosong sabi nito dahilan nang mapatingin ako sa kanya.

Naalala ko bigla si Takko at si Tarus. Pinili nilang mawala ang kanilang buhay para lang sa buhay ng iba.

"Hindi ko sila malilimutan" Sabi nito dahilan nang mapangiti ako. "Hindi ko kayang kalimutan ang mga umaalis." Dagdag niyang sabi.

Rin...

Talaga ngang nagbago kana.












"Abotin mo ang kamay ko." Utos ko kay Rin nang maka-akyat na sya sa kweba na nasa likod ng talon, samantalang nakatayo parin ako sa isang bato na nasa baba ng kweba habang nakataas ang kamay ko at inaantay na abotin nya para tulongan akong makaakyat sa kweba.

"Dyan ka lang." Sabi nito atsaka na pumasok sa loob ng kweba. A-ano?!

"Rin!" Sigaw ko pero hindi na ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. "Hoy!" Muling sigaw ko pero mukhang tuloyan na nga itong nakalayo.







The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon