Chapter 31: The Key

35 2 0
                                    



Paggising ko ay agad kong hinanap ang mga kasama ko.

Nagsimula akong naghanap sa playground, sumunod sa kitchen, sa sala at sa restroom pero hindi ko parin sila nakikita.

Hindi kaya bumalik sila sa silid na kung saan may mga halimaw? Eh bakit naman sila babalik doon?

Pinagmasdan ko ang werdong pintuan atsaka ko pinindot ang nakaukit na dahon and  finally, nakita ko na rin sila sa garden!

Nasurprised naman ako nang makita ko ang isang mahabang lamesa na puno ng mga pagkain!

"Magandang umaga Kalie." Nakangiting bati ni Allen sa akin.

"Anong meron?" Pagtatakang tanong ko atsaka ako umupo sa upuan.

"Para sa ating umagahan." Sagot ni Daccoon. "Matagal na tayong hindi nakakakain ng masasarap na mga pagkain, kung kaya't naghanda kami ng mga espesyal na pagkain." Dagdag nitong sabi.

"Kumain na tayo." Aya ko at nagsimulang sumubo ng pagkain.

"Pagkatapos ka namin hintayin ay hindi mo manlang kami hinintay na kumuha ng pagkain?!" Inis na sabi ni Shita dahilan nang kumunot ang noo ko.

"Kailangan pa ba na sabay-sabay?!" Inis naman na sabi ko. Napakaarte talaga ng bubwit na 'to!

"Sige na Shita, kumuha ka na rin." Aya ni Daccoon atsaka na sila kumuha ng mga pagkain. Napatingin ako kay Rin na ngayong tahimik na nakaupo sa isang upuan, sa tabi ng mga Monks.

Bakit ba napakatahimik at seryoso parin niya? Gumagambala ba sa isip nya ang mga bumalik nyang memorya?

Paano ko naman malalaman kung hindi parin ako segurado na bumalik na talaga ang lahat ng memorya nya.

"Bakit ba napakatahimik ni Rin?" Pagtatakang tanong ko habang kumakain.

"Hindi ka pa nasanay. Lagi naman syang tahimik." Sagot ni Allen dahilan nang mapaisip ako. Oo nga naman, laging tahimik si Rin pero parang may kakaiba sa katahimikan nya ngayon.






"Marunong ka ba talagang tumugtog ng piano?" Tanong ko kay Daccoon na nasa harapan ng isang piano na ngayong nasa gitna ng mga bulaklak at halaman.

"Oo naman." Confident nyang sagot. "Mabuti pa at panoorin mo ako." Dagdag nitong sabi at hinanda ang sarili at maya-maya lang ay nagsimula na syang tumugtog ng piano.

Hindi ko inaasahan na marunong nga talaga syang tumugtog nito. Lahat kami ay nahinto sa pagkain at nakatuon lang ang tingin sa tumutugtog ng piano na si Daccoon.

"Kalie, halika at sumayaw tayo." Aya sa akin ni Allen nang lumapit ito sa harapan ko.

"A-ayaw ko nga." Nakakunot noo kong sabi.

"Halika na." Pangungulit na sabi niya atsaka ako nito tinayo. Naku naman, hindi ako marunong sumayaw!

"'Wag kang mag-alala. Aalalayan naman kita, sundin mo lang ang mga paa ko." Nakangiting sabi nito.

Natuwa naman ako dahil agad kong nakukuha ang bawat steps and finally! nakakaya ko na ring makisabay sumayaw ng waltz dance dahil sa tulong ni Allen, hanggang sa bigla nya nalang ako hinarap kay Rin na syang kinabigla ko.

"Kayo naman." Aya ni Allen atsaka na ako nito iniwan sa harapan ni Rin. Napayuko ako dahil sa hiya na baka hindi ako isasayaw ni Rin. Napaka-kill joy pa naman ng lalaking 'to.

Nakita ko ang palad nito na animo'y inaaya nya akong sumayaw dahilan nang kinagulat ko.

"M-marunong ka ba?" Nahihiyang tanong ko.

The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon