Chapter 2: Door with 7 Pierces

120 7 0
                                    

Nililibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Wala akong ibang makita kundi ang isang silid na wala manlang kahit na anong gamit. Hindi ko maintindihan bakit nya ba ako pinasok dito?!

Hindi ko maiwasang maisip na baka bigla nalang magpakita ang bruha at kainin ako. Kainis! Kailangan ko nang makaalis dito!

Kinatok ko ng kinatok ang pintuan na pinanggalingan ko atsaka ito inis na pinangsisipa. Hindi na nya ako control ngayon kung kaya't malaya na akong nakakakilos.

"Buksan mo 'to!" sigaw ko. Muli sana akong kakatok pero bigla nalang naging dingding ang pintuan na kaninang pinasukan ko dahilan nang kinagulat ko at mapaatras ako.

P-paanong naging dingding na ito?!

Hindi na ako makakilos sa kinatatayuan ko ngayon habang pilit na sini-sink in sa isip ko ang mga nangyayari.

"Nahihirapan makahanap ang anak ko ng mapapangasawa, kung kaya't ako na ang hahanap para sa kanya."

"At ikaw ang napili ko."

What the heck is she talking about?!

Kailangan kong makahanap ng paraan na makalabas rito pero ni-kahit mga bintana ay wala akong makita! Meron naman akong nakitang bintana sa labas kanina pero pagdating dito sa loob ay wala na. Maliit lang ang bahay sa labas pero bigla nalang lumaki at lumawak dito sa loob.

Minamaligno na ata ako.

Muli akong nag lakad-lakad para makahanap ng labasan at sa patuloy kong paglalakad ay nakakita ako ng corner kaya agad ko itong pinuntahan.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makakita ako ng isang pintuan sa dulo kaya agad ko itong nilapitan. "Ito na seguro ang pintuan palabas." Wika ko sa sarili.

Kulay puti ang pinto, maraming bulaklak at creeping fig sa gilid nito pero ang pinagtataka ko lang na sa halip na door knob ay may mga nakaukit na hugis spatula, sofa, sabon, kama, dahon, padulasan na makikita sa park, at hugas bundok sa pintuang ito.

Sobrang weird!

Napabuntong hininga at napakamot nalang ako sa ulo dahil sa inis. Paano ko ba magagamit ang pintuang 'to!

Napatingin ako sa bracelet na ngayong nasa kanang kamay ko, bigla ko 'tuloy naalala ang kaninang bruha na nag pasuot sa akin nito.

Sinusubukan kong hubarin ang bracelet pero hindi ko manlang kayang tanggalin sa kamay ko, para na syang nakadikit sa balat ko at dahil sa inis ay nasipa ko ang pintuan. Mas nawalan rin ako ng pag-asa dahil sa lakas ng pagkasipa ko ay hindi parin bumukas ang pinto.

Huminga ako ng malalim at pumikit para pigilan ang galit dahil kung hindi ay mas mahihirapan akong makaisip ng paraan para makaalis sa lugar na 'to.

Para akong nasa weird na panaginip. Hindi kaya nananaginip lang ako? Nakatulog nanaman seguro ako sa gitna ng klase namin.

Bahala na, enjoy ko nalang seguro itong nakakaasar na panaginip.

"Kailangan mo pa segurong masira bago kita magamit." Asar kong sabi at muling humakbang palapit sa pintuan. Isinandal ko ang kanang kamay ko sa pinto, pumikit at sinandal rin ang noo rito."Palabasin mo na ako." Saad ko at muling huminga ng malalim.


[Background music started]
[School of Magic - June Westfield]

The keyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon